^

PSN Showbiz

Wala lang daw detalye Vic kinausap na ang mga magulang ni Pauleen tungkol sa kasal

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ng kontrata ni Bianca King sa GMA 7, mapapanood pa rin naman ang aktres sa ilang guesting sa Kapuso network. Kagaya ng Picture Picture sa Sabado na kung saan isa siya sa nakipagtunggali sa kalahating milyon pisong jackpot kasama sina Angelu de Leon, Dennis Padilla, at LJ Reyes.

Hindi pa masabi ni Bianca kung magri-renew pa siya sa GMA 7, dahil meron naman siyang bagong drama series sa TV5, ang Obsession na magsisimula na sa Januaray 23 at mapapanood tuwing Huwebes ng gabi.

PAK: “No comment” ang sagot ni TJ Trinidad sa isyung siya raw ang pinapatutsadahan ng isang showbiz mom na nam-bully daw sa kanyang anak na isang young actress.

Itong si young actress ang pinagbibintangang nandaya diumano sa isang game show na kung saan isa ring contestant doon si TJ.

 Nasa presscon si TJ ng bagong programa niyang The Borrowed Wife kamakalawa ng gabi, at siya ang inaabangan ng mga reporters para magkomento, pero ayaw na niyang magsalita at iniiwasan na rin naman nilang palakihin pa ito.

BOOM: Tungkol na sa kasal ang paulit-ulit na tinatanong kay Pauleen Luna sa presscon ng bagong drama series niyang The Borrowed Wife, na magsisimula na sa January 20 sa GMA afternoon prime.

Wala naman maisagot si Pauleen, dahil wala naman daw proposal at wala pang sinasabi si Vic Sotto.

Pero inaamin niyang napapag-usapan na raw nila, pero wala pa raw detalye kung kailan at kung ano talaga ang plano ni Bossing Vic.

Malalim na raw ang kanilang relasyon at napapag-usapan na raw sa mga magulang niya.

“Mabuti na ‘yung napapag-usapan, kesa hindi. Hindi naman puwedeng magulat na lang sila na may plano na pala,” pahayag ni Pauleen.

Ang isa pang ikinagulat ng mga reporters ay nang sabihin ni Pauleen na wala silang Christmas gift ni Vic sa isa’t isa nung nakaraang Pasko.

“Hindi kasi kami mahilig magbigay ng regalo. Hindi kami mahilig sa mga materyal na bagay. Mas importante sa amin ang time, ‘yung meron kaming time sa isa’t isa.

“Mabuti na rin ‘yung ganun para hindi na mag-expect sa kung may ibibigay na gifts o wala,” pahayag ng Kapuso actress.

vuukle comment

BIANCA KING

BORROWED WIFE

BOSSING VIC

DENNIS PADILLA

ISA

KAPUSO

PAULEEN

PAULEEN LUNA

PICTURE PICTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with