^

PSN Showbiz

Matapos pumirma ng panibagong kontrata sa Kapamilya Korina, New Year’s wish na mabayaran ang mga obligasyon at matapos ang pag-aaral na may magagandang grades

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matalik na magkaibigan pala sina Sir Tony Calvento at Ms. Korina Sanchez. In fact, si Mr. Calvento ang nagkumpirma, nang tumawag siya kahapon, na itutuloy ni Mrs. Roxas ang kanyang masters degree kaya pahinga muna ito sa pagra-radyo.

Imporma pa ni Sir Tony, hindi lalayasan ni Ms. Koring ang TV Patrol at ang weekend show niyang Rated K na napapanood every Sunday. Kahapon daw dumating ng bansa ang kanyang friend na hindi ko lang naitanong na mapapanood na ba siya nga­yong gabi sa TV Patrol. At nakapag-renew na rin daw ito ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network.

Sinabi ni Ms. Koring na gusto nga niyang tapusin ang kanyang naudlot na pag-aaral sa Ateneo de Manila University eh everyday daw ang radio show niya sa umaga.

“Muntik na akong ibagsak ng dalawa kong propesor dahil sa absence at late submissions kaya talagang hindi ko mapagsabay. 

“Ang trabaho naman nariyan lang at ang sabi naman sa akin ng mga boss, kapag ayos na lahat, ay makakabalik naman ako. Gusto ko na talaga itong iraos,” sabi niya sa statement na pinadala sa pamamagitan ni Sir Tony.

Pahabol ni Sir Tony, tuloy pa rin ang kanyang friend sa Isang Milyong Tsinelas campaign sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN Foundation ngayong 2014.

Masaya rin daw si Ms. Koring na sina Marc Logan at Amy Perez ang papalit sa kanyang radio show sa DZMM.

“Sabi ko kina Amy Perez at Marc Logan basta sana i-plug pa rin nila ang Tsinelas Campaign namin para sa mga bata. Cute ang show nila,” sabi pa ni Ms. Koring sa statement.

 â€œNew Year’s wish ko na sana walang dumapo na kahit anong trahedya sa Pilipinas. At tuluy-tuloy na ang paghilom ng Kabisayaan. Sana matapos ko itong pag-aaral ko nang magagandang grades. Hahaha! Ang hirap eh. May mga malalapit akong kamag-anak na may sakit na sana gumaling na. Sana mabayaran ko lahat ng obligasyon ko. Maliban doon puro pagpapasalamat na. I can’t ask for anything more. Sobra ang blessings ko na sana ituloy lang ng Panginoon ngayong taon,” sabi pa ni Ms. Koring sa statement sa pamamagitan ni Sir Tony.

Nakapahinga naman daw si Ms. Koring noong nakaraang Pasko matapos libutin ang mga winasak ng Super Typhoon Yolanda. Ngayon ay handa na raw ulit itong sumabak sa trabaho. 

Star cinema mambubulaga sa bride for rent

Isang romantic comedy na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim ang unang pasabog ng Star Cinema ngayong bagong taon, ang Bride for Rent.

Ang Bride For Rent ay dinirehe ni Mae Czarina Cruz na ang pinakahuling pelikula ay ang smash hit ng 2013 na She’s the One. Minamarkahan din nito ang pinakahihintay na muling pagsasama nina Kim at Xian.   

Ang Bride For Rent ay isang nakakaaliw at nakakatuwang love story tungkol kina Rocco Espiritu (Lim) at Rocky Espiritu (Chiu) na parehong desperadong nangangailangan ng pera. Kailangang magpakasal si Rocco upang makuha niya ang kanyang malaking mana habang si Rocky naman ay kailangan din ng pera na pambayad sa kanyang renta, sa takot ng mawalan ng tirahan dahil malapit na siyang mapalayas kasama ng kanyang pamilya.

Makikipagsabwatan si Rocco kay Rocky na papayag na magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking “talent fee.” Matapos ito, isang katutak na nakakalokang mga problema ang haharapin nina Rocco at Rocky. Uubra kaya ang kanilang plano o magiging biktima sila ng kanilang panloloko dahil baka magkaroon talaga sila ng feelings sa isa’t isa?

Ang Bride For Rent ay follow-up movie ng magka-love team sa hit movie nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? last year.

Ipapalabas ang Bride for Rent sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula Enero 15.                   

vuukle comment

AMY PEREZ

ANG BRIDE FOR RENT

BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

KANYANG

MARC LOGAN

MS. KORING

ROCCO

SIR TONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with