^

PSN Showbiz

Korina nag-last day na sa Rated K?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagpapahuli si Korina Sanchez kay Kris Aquino sa tuluy-tuloy na balita kahit nasa Amerika ito kasama ang asawang si Sec. Mar Roxas. Conflic­ting nga lang ang mga naririnig naming balita tungkol kay Korina at sa kanyang radio show at TV show sa ABS-CBN.

Kahapon, ang balita, iniwan na ni Korina ang kanyang radio show sa DzMM at ang Rated K, nag-last day na raw. Pati sa TV Patrol, mawawala na rin daw ang bete­ranang broadcaster. May balita pang itutuloy na lang nito ang masteral degree niya sa London, England.

Pero sa Twitter, may nagtanong na fan ni Korina sa isang malapit sa broadcaster kung kailan ito babalik sa TV Patrol at ang sagot ng close kay Korina ay “pro­bably Monday.”

Ang alam ng iba, babalik pa rin sa radio si Korina pero iba na ang time slot dahil ang dating time slot ay ibinigay kina Amy Perez at Marc Logan.

So, ano ba talaga ang totoo? Hintayin natin ang Monday edition ng TV Patrol kung totoong babalik na si Korina. Kung wala pa siya, patuloy tayong magtanong at makibalita hanggang lumabas ang totoo!

Aktor na may regular shows at pelikula kinakapos, nanay iniutang pati pang-noche buena!

Dalawa ang regular TV shows ng aktor at may movie siya sa Metro Manila Film Festival kaya mahirap paniwalaang wala itong pera noong Kapaskuhan at kailangang manghiram ng pera ang kanyang ina sa manager ng aktor dahil wala raw panghanda.

Alam kaya ng aktor ang ginawa ng madir niyang panghihiram ng pera o gaya ng dati na ang ina lang ang gumagawa ng mga bagay na ikasisira ng anak? Kilala kasi sa showbiz ang ina ng aktor na ’pag may pera ay akala mo hindi mauubos kung gumastos at may bisyo pa raw.

Hindi rin kami makapaniwalang sa February pa magkakapera ang aktor dahil may regular TV shows nga siya, sumusuweldo siya na pagkukunan nila ng panggastos ng kanyang pamilya. Siguro right time na para ang aktor ang humawak ng kanyang pera para alam niya kung saan napupunta.

Jericho sunud-sunod ang trabaho, ikakasal pa

Pinapalabas na sa mga sinehan ang trailer ng Viva Films movie na ABNKKBSNPLAko o Aba, Nakakabasa na Pala Ako na based sa hit book ni Bob Ong. Nakakatuwa ang reaction ng tao ‘pag lumalabas na ang title dahil marami ang hindi alam kung paano basahin until nabasa na ang subtitle.

Bida si Jericho Rosales sa film adaptation ng book ni Bob Ong at kapareha si Andi Eigenmann. Sa February na ang showing ng movie na may nakakalitong title sa direction ni Mark Meily.

Taon yata ni Jericho ngayon dahil bukod sa movie, malapit na rin ang airing ng The Legal Wife nila nina Angel Locsin, JC de Vera, at Maja Salvador. This year din daw ang beach wedding nila ng fiancée niyang si Kim Jones.

Dolphy maglilinis ng environment sa app

Na-forward sa amin ang text message ni Eric Quizon tungkol sa na-develop na game application in honor of his dad.

Text ni Eric: “We developed a game app for my dad. It is called Dolphy Clean Up! It is finally out! Dolphy Clean Up is now available in the App Store! You can download it on your iPad or iPad mini for $3.99! iPhone and android phones will be available by end of January! Let us help Dolphy clean the environment! Dolphy Clean Up!”

Sa gusto ng Dolphy Clean Up application, visit https://itunes.apple.com/us/app/dolphy-clean-up/id736545163?mt=8. Enjoy!

Kris tuwang-tuwa sa maletang regalo ni Carl

Napakagalanteng boyfriend ni Carl Guevarra kay Kris Bernal dahil hindi matipid magregalo. Hindi pa pala ‘yung roasted Peking duck na ipinadala ng aktor kina Kris noong Kapaskuhan ang Christmas gift niya sa aktres, may kasunod pa.

Pinoste na naman ni Kris sa Instagram ang Rimowa luggage na Christmas gift sa kanya ni Carl. First Rimowa luggage raw niya ito kaya tuwang-tuwa siya. May kasamang picture nilang dalawa ang luggage.

Hindi pa namin nabibisita ang IG ni Carl para malaman naman kung ano ang mga gift sa kanya ni Kris last Christmas.

vuukle comment

AKTOR

AMY PEREZ

ANDI EIGENMANN

BOB ONG

DOLPHY

DOLPHY CLEAN UP

KORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with