^

PSN Showbiz

Vicki Belo may life-changing event sa bagong taon Hayden Kho mag-aaral sa London para maging eksperto sa salita ng Diyos!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang Christmas lunch namin kay Dr. Vicki Belo sa kanyang favorite restaurant sa Quezon City. As usual, sagana sa kuwento si Mama Vicki pero off the record ang karamihan. Kinumpirma lang niya na Evangelist na ang kanyang boyfriend na si Hayden Kho, Jr. at malaki na ang ipinagbago.

Malaki ang tsansa na mag-aral si Hayden sa Oxford, England para lalong madagdagan ang kanyang kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos.

Baka may big at life-changing event na mangyari sa buhay ni Mama Vicki sa May 2014. Hindi ko sasabihin kung anuman ‘yon dahil ipapaubaya ko sa kanya ang announcement dahil siya naman ang involved, hindi ako.

Binigyan ako ni Mama Vicki ng 2014 table ca­lendar ng Belo Medical Clinic. Must have ang table calendar dahil seksing-seksi ang mga celebrity endorser ng Belo Medical Clinic sa kanilang mga litrato.

Kasali sa 2014 calendar ng Belo Medical Clinic sina Anne Curtis, Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Edward Mendez, at marami pang iba.

Hindi nga pala dapat paniwalaan ang tsismis na nililigawan ni Edward si Mama Vicki. Imbento lamang ang balita dahil kilala ni Mama Vicki ang girlfriend ni Edward. Kumbinsido rin ako na si Hayden pa rin ang mahal na mahal ni Mama Vicki.

Nanay ni Ryzza Mae pumuti sa Beauche

Sina Gloria Diaz, Venus Raj, Paolo Ballesteros, at Diana Zubiri ang judges sa Miss Beauche International na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Pasay City noong Sabado nang gabi.

Maikukumpara ang Miss Beauche International sa mga national at international beauty pageant dahil ginastusan ni former Carmen, Bohol Mayor Che delos Reyes ang bonggang event.

The who si Mayor Che? Siya ang president at founder ng Beauche. Napanood ko noon sa The Ryzza Mae Show ang sinabi ni Ryzza Mae na maputi ang kanyang nanay dahil loyalist ito ng Beauche.

Si Ann Mabel Ubando ang nag-win ng Miss Beauche International title. Si Ann ang representative ng Dagupan City at runner-ups niya sina Patricia Ramos ng Manila (1st runner-up), Alyssa Ashley Calimlim ng Baguio (2nd runner-up), Lynnde de Mesa (Quezon City, 3rd runner-up), at Jovilyn Gavan (4th runner-up, Zamboanga).

Magaganda at matatangkad ang official candidates ng Miss Beauche International. Huwag tayong magtaka kung makita natin sila na kasali sa mga prestigious beauty contest tulad ng Bb. Pilipinas at Miss World Philippines.

Heart alalay si Chiz sa Christmas party

Nalimutan ko na ikuwento na kasama ni Heart Evangelista ang kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero sa Christmas party ng Startalk sa Victorino’s restaurant sa Quezon City noong Sabado.

Nag-share ng blessings sina Heart at Papa Chiz kaya lalong naging masaya ang Christmas party ng mga host at production staff ng Startalk.

Maraming salamat sa management ng Victorino’s dahil sa discount na ibinigay nila sa amin. Kasama na ang Victorino’s sa mga favorite restaurant ko sa Quezon City area dahil very affordable ang presyo ng kanilang masasarap na pagkain. Gustung-gusto ko ang ambience sa kanila dahil parang kumakain ka lang sa sariling bahay.

Bela tiyak na sa mga pelikula ng BF

Very supportive boyfriend ang movie producer na si Neil Arce. Sinamahan ni Neil ang kanyang girlfriend na si Bela Padilla sa guesting nito sa Startalk noong Sabado.

Si Neil ang producer ng 10,000 Hours, ang pelikula na pinagbibidahan ni Robin Padilla na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival. May mga nang-iintriga kay Bela na nakasali lamang ito sa cast ng 10,000 Hours dahil boyfriend niya ang produ. So what naman kung dyowa niya si Neil? Kung ako ang girlfriend, sisiguraduhin ko na starring ako sa lahat ng kanyang mga movie project. Hindi lamang sa 10,000 Hours!

 

vuukle comment

BEAUCHE

BELO MEDICAL CLINIC

DAHIL

MAMA VICKI

MISS BEAUCHE INTERNATIONAL

QUEZON CITY

RYZZA MAE

SABADO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with