^

PSN Showbiz

Dating PBB winner na si Keanna Reeves mas bata pa sa panganay na anak ang ka-live-in

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magpapakitang gilas ang bagong Gigi ng Miss Saigon na si Rachelle Ann Go sa Sunday All Stars ngayong araw.

Sa West End sa London, England na siya sa susunod na taon kaya gusto niyang sulitin ang mga episode na kasali siya sa Sunday show kaya ngayon pa lang ay itotodo na raw niya, kasabay nang pagbabalik ng paglalaban sa production number ang apat na teams na Tropang Trending, Ligang iLike, Tweethearts, at Instagang.

PAK: Komportable naman si Rodjun Cruz na makatrabaho si Cesar Montano sa Akin Pa Rin ang Bukas.

Siyempre close si Rodjun sa mga kamag-anak niya gaya ni Sunshine Cruz, kaya baka makaramdam ito ng ilang kapag nakatrabaho ang dating asawa ng kanyang pinsan.

“Hindi naman po,” pakli ni Rodjun. “Mabait naman siya sa akin. Hindi naman namin pinag-uusapan ’yun sa taping,” pahayag ni Rodjun.

Tuwang-tuwa nga siya dahil sa nabigyan agad ito ng kasunod na trabaho ng GMA 7 pagkatapos ng My Husband’s Lover.           

Type pa niya ang role na ibinigay sa kanya sa Akin Pa Rin ang Bukas, bilang isang young detective na mag-iimbestiga sa pagpatay kay Roel Villacorta at ang tangkang pagpatay kay Lovelia (Lovi Poe).

BOOM: Proud na proud ang dating kontrobersiyal na bold star at Pinoy Big Brother (PBB) winner na si Keanna Reeves sa bagong bagets niyang boyfriend na mas bata pa sa panganay niyang anak.

Kevin ang name ng 20 years old na bagets na matagal na palang karelasyon ni Keanna at tuwang-tuwa niyang ikinuwento sa Startalk kahapon na iyon ang nagpapabata sa kanya.

Nakatira ang dalawa sa isang condo unit sa Mandaluyong City at kuwento ng ilang kaibigan, naaalibadbaran daw sila kapag kasabay nila ang magkasintahan sa elevator dahil wala silang ginawa kundi ang magtukaan nang magtukaan.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

BUKAS

CESAR MONTANO

KEANNA REEVES

LOVI POE

MANDALUYONG CITY

MISS SAIGON

MY HUSBAND

RODJUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with