^

PSN Showbiz

Masasarap at matipid na pagkain sa Pasko nadiskubre ni Mother Ricky

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutok lang sa GMA News TV sa programang Gandang Ricky Reyes Todo NaToh (GRR TNT) ngayong Sabado, alas-nuwebe ng umaga da­hil may mga pampabuwenas na handog dito para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Samahan natin ang pagdalaw ni Chickido­ra (ang komikerang sidekick ni Mader Ricky) sa pi­na­kamalaking karnabal sa Pilipinas na Star City.  Napakaraming sasakyang pambata at pangma­tan­da sa naturang amusement park na bukas 365 days.

May mga masasarap at kaya ng bulsang putaheng pang-noche buena na ibabahagi ang isang chef na bisita sa programa. 

“’Di naman kailangang magarbo o mamahalin ang sangkap. Ang mahalaga’y masarap at naka­bubusog ang ihahain sa family bonding kung Disyembre 24,” sabi ng master cook.

Kahit taghirap ang ekonomiya dahil sa mga nagdaang trahedya, kailangan ding magbigay ng ligaya sa mga bata na umaasang darating si San­ta at bibigyan sila ng regalo. Magbibigay si Mader ng mga lugar kung saan maraming mabibiling murang laruan.

At sa mga nag-iisip ng ipamimigay, may perso­nalized items na ipakikita sa show tulad ng mugs, tum­blers, ashtrays, at iba pa na souvenir na rin,  ga­mitin araw-araw at swak sa budget.

Bigyang kulay ang bahay na ’di kailangang bu­­mili ng mga mamahaling décor. Ipakikita kung pa­­ano mapag-uubra ang mga palamuting ginamit nung nakaraang taon sa pagdaragdag lang ng pakintab at ibang arrangement.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision.

 

vuukle comment

BIGYANG

CHICKIDO

GANDANG RICKY REYES TODO

MADER RICKY

SHY

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with