^

PSN Showbiz

Aktres parang nasa heaven ang kaligayahan Heart at Chiz engaged na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naintriga ang followers ni Heart Evangelista sa Instagram (IG) sa post nitong “Thank you @saychiz for making me the happiest:) such a wonderful person:) I love you so much!:)” na may kasamang picture nila ng boyfriend na si Sen. Chiz Escudero na magkatabi at masaya.

What makes the picture of the two different ay ang suot na singsing ni Heart na hawak-hawak pa. Ang dating noon sa kanyang followers ay engagement ring ang suot ng aktres kaya nag-post nang pasasalamat sa saya na ibinigay sa kanya ng BF.

Naalala namin ang sinabi ni Heart nang makausap namin sa taping ng Magkano Ba ang Pag-ibig?, ready na siyang magpakasal pero kailangan niyang hintaying mag-propose si Sen. Chiz. Dumating na kaya ang araw na ’yun kaya super happy ang aktres?

Sa nasabing interview, very sure si Heart na si Sen. Chiz na ang guy for her. Wala na siyang makitang ka­sing interesting at kasing guwapo ng nobyo. Nabanggit pa nitong iiyak siya at hindi lalabas ng bahay ng one year ’pag sila’y naghiwalay.

Barbie naitsapuwera sa grupo nina Vic at Kris

Kasama sa cast ng My Little Bossings si Barbie Forteza pero wala ito sa presscon kaya hindi naikuwento ang role niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry. Mabuti at na­tsika nito noong minsan na tenant ni Vic Sotto ang ginagampanan sa pelikula.

Ang sabi ni Barbie, second movie na niya itong kasama si Vic at suwerte siya dahil ngayon, may Kris Aquino, Bimby Yap, Jr., at Ryzza Mae Dizon pa. Hindi lang namin napansin kung kasama si Barbie sa first released trailer ng My Little Bossings pero kung wala siya, may four versions pa ng trailer ang ilalabas ni Direk Marlon Rivera.

Anyway, papasok din si Barbie at si Derrick Mo­­nas­terio sa Genesis at ayon naman kay Direk Mark Reyes, nag-taping na ang dalawa at baka next week ay lumabas na.

Aktor hindi nakikisali sa Throwback Thursday, hitsura ngayon ibang-iba na sa dati

’Kaaliw ang tsikang narinig namin sa isang um­pukan tungkol sa isang aktor at kung bakit hindi ito nagpa-participate sa Throwback Thursday na gina­gawa ng mga nasa Twitter every Thursday. Sa halip ay puro selfie picture ang pino-post.

Umiiwas ang aktor na mag-post ng old photos niya dahil makikita ang malaking pagbabago ng kanyang mukha dala ng iba’t ibang retoke na ginawa sa face niya. Para wala nang magulat at magtanong, hindi na lang siya sumasali sa Throwback Thursday kahit pa siguro gusto nang sumali.

Hindi namin alam ang tsikang ito kaya curious din kaming makita ang dating face ng aktor. Saka walang masama sa pagpaparetoke kung ikagaganda naman ng mukha. Kaya lang, maghanda na nang isasagot ang aktor ’pag may nangulit kung bakit iba ang hitsura niya ngayon at noon.

b

Hindi na tinapos ni Juancho Triviño ang presscon ng Pedro Calungsod, Batang Martir dahil may recording pa siya na gagamitin sa mall show ng cast ng Villa Quintana. Nakasama siya sa fashion show at twice natanong sa Q&A bago umalis.

Feeling blessed ang young actor na ang first movie niya ay itong Pedro Calungsod at entry pa sa MMFF. Ginagampanan niya ang role ng isa sa mga katekista kaya nag-fashion show na suot ang costume ng katekista at nakabakya.

Kasama si Juancho sa cast na nagdadasal na ma­gustuhan ng tao ang pelikula nila, panoorin para ku­mita para sa mga producer. Big bonus kung ma­na­lo sila ng award. Maganda ang trailer ng movie na magsisimulang mapanood sa Dec. 25, sa direction ni Francis Villacorta.

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BATANG MARTIR

BIMBY YAP

MY LITTLE BOSSINGS

PEDRO CALUNGSOD

SHY

THROWBACK THURSDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with