^

PSN Showbiz

Hindi kinaya ni Edu, Ms. Supranational Mutya Datul, kumakain ng insekto?!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Exciting ngayong Sabado ang What’s Up Doods? dahil makakasama ni Edu Manzano ang dalawang magkaibang grupo ng magkakapatid, at ang beauty queen na kumakain ng insekto!

Irereveal nila Jeric Teng ng UST Grow­ling Tigers, at Jeron Teng ng La Salle Green Archers ang mga kulitan nilang magkapatid. Nagkapikunan na ba sila? Paano sila nagkakasundo bilang roommates?

Makakasama din ni Doods ang ama nilang si Alvin Teng, the man who started it all for their family.

Sinong magwawagi sa kanilang 2-on-1 shootfest, si Doods o ang Teng Brothers?

Samantala, makikilala rin ni Doods ang misteryosang si Mutya Datul, ang kasalukuyang Ms. Supranational. Tanong ni Doods: “Ano ba ang ibig sabihin ng Supranational?”.

At si Mutya, kumakain daw ng insekto noong bata pa siya? Ito ba ang sikreto ng kanyang ganda?

Makakasama rin ni Doods ang mga talentado at nag-gagandahang Cojuanco sisters. Aalamin ni Doods kung paano lumaki sa isang pamilyang tinitingala ng taumbayan.

 Huwag pahuli at tutukan ang What’s Up Doods nga­yong Sabado, 10:30 p.m., sa TV5!

vuukle comment

ALVIN TENG

DOODS

EDU MANZANO

JERIC TENG

JERON TENG

LA SALLE GREEN ARCHERS

MAKAKASAMA

MS. SUPRANATIONAL

UP DOODS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with