^

PSN Showbiz

Mga pupuntahan ni Pauleen pinapa-check muna ni Bossing

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Malapit na palang mapanood sa mga sinehan ang indie film na ginawa nina Pauleen Luna kasama sina Tom Rodriguez at Rafael Rosell, ang Gaydar. Sa premiere ng pelikulang ito sa ginanap na Quezon City Filmfest unang ineskortan ni bossing Vic Sotto si Pauleen. Hindi nila ito ginagawa dati kung kaya nakumbinse ang lahat na pinaka­seryosong relasyon na ito ng popuar na TV host sa kanyang batang-batang Dabarkads.

Sa isang recent interview inamin ni Pauleen na wala pa silang napag-uusapang kasalan ni bossing Vic at siya na raw ang magiging pinaka-masaya kapag nag-propose ito sa kanya pero, hindi niya ito minamadali.

Hinahayaan niyang manggaling ang pagkukusa sa kanyang boyfriend. Pero inamin niya na mas­yadog concerned ito sa mga lugar na pinupuntahan niya para mag shooting o mag-taping. Sinisiguro nitong safe siya. Kaya kapag may trabaho siya ay inaalam muna ni Vic kung saan ang location at kung gaano kaligtas ang lugar.

Raymond hindi naaalis ang ‘pagmamaldito’ pag nagho-host

Kung inaakala ng lahat na tuluyan nang pababa­yaan ng pamilya Gutierrez ang kanilang career dahil sa matagal na panahon na rin silang walang ginagawa at parang masaya nang nagbabakasyon na lamang, babaguhin ito ng pamil­ya sa pamamagitan ng isang palabas, isang reaity show na magpapakita sa manonood kung ano talaga sila, as a family and individually. Parang tanging si Raymond na lamang ang tila ay nagsusumikap pa rin na mapalago ang kanyang ca­reer bilang isang host sa pi­na­ka-bagong programa niya sa TV5. To his advan­tage, parang tanggap ng mga ma­nonood ang pi­na­­mamalas niyang ka­prang­kahan sa kanyang trabaho na hindi mo na nakikita ngayon sa mga TV host.

Parang ang gumagawa ng trabahong tulad niya ay nakikiayon na lamang sa mga bisita nila, marahil sa takot na mawalan sila ng guest. Pero, iba si Raymond who has to maintain a certain degree of kamaldituhan para maitawid ang pag-ayaw niya  sa istilo ng pananamit ng marami nating artista.

Actually si Raymond ang nakaisip ng konsepto ng programa na lalabasan  nilang buong mag-anak  at ididirek ng isang Pinoy na matagal nang namamalagi sa US at matatawag na matagumpay sa kanyang pananatili dun na si Mike Carandang. Ang grupong TV 100 ng One Mega ang kasama ng Royale Entertainment ang  producer ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Ano ang mangyayari sa pamilya kapag nagbakasyon sila ng sama-sama sa Singapore at Malaysia? Sa mga bansang kapatid natin sa Asya naisip na gawin ni Carandang ang programa para mapagsama-sama niya ang lahat ng miyembro ng pamilya na may kanya-kanyang trabaho at abalang pare-pareho.

Kapag nasa abroad nga naman sila ay matatapos nila ng maaga ang gagawin nilang taping at hindi kailangang hanapin pa sila na siyang inaasahan ng director na mangangarag kapag dito sila nagtaping.

For the first time papayagan ng pamilya na ma­ku­nan ng kamera ang buhay nila, mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog nila sa gabi.

Kilala ang TV 100 na pinamumunuan ng director na si Mike Carandang kaya tiwala ang pamilya Gu­tier­rez na ilagay ang kanilang pamilya sa spotlight.

For the longest time, pinatunayan ng pamilya na kaya nilang tumayong magkakasama sa magulong mundo ng showbiz. Ipakikita sa show kung paano nila ito ginagawa.

Snooky isinakripisyo ang mga anak para sa TL

Isang babaeng may-asawa na muling napaibig ng kanyang first love ang gagampanan ni Snooky Serna sa Maalaala Mo Kaya  mamaya, bago ang The Bottomline.

Matapos ang halos tatlong dekadang pagkakawalay sa isa’t isa, muling pagtatagpuin ng tadhana sina Emily (Snooky) at Roger (Lito Pimentel) na kapwa mayroon nang mga pamilya.

Handa bang isakripisyo ng isang ina ang kanyang masayang pamilya kapalit ng ‘true love’ niya?

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval.

vuukle comment

ISANG

KANYANG

MIKE CARANDANG

NIYA

PAMILYA

RAYMOND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with