^

PSN Showbiz

Mommy Lydia ni Jennylyn apektado at nanghihinayang sa pagkaka-alpas ni Luis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Apektado rin pala ang kinagisnang ina ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia sa nangyaring hiwalayan ng kanyang anak kay Luis Manzano. Kapag masaya si Jennylyn ay masaya rin kasi ang pakiramdam ni Mommy Lydia at kapag nakikita namang malungkot ang anak ay malungkot din siyempre siya.

Nakita ni Mommy Lydia ang pagiging masaya ni Jennylyn nung sila pa ni Luis at botong-boto siya sa binata kaya nung magkahiwalay ang da­lawa ay labis siyang nalungkot at nasaktan para sa kanyang anak.

Bilang ina, maraming beses nang nasaksihan ni Mommy Lydia ang pagiging brokenhearted ni Jennylyn – kina Mark Herras, Patrick Garcia, Dennis Trillo, and lately, kay Luis nga. Umaasa ang ina na muling makakatagpo si Jennylyn ng bagong mamahalin na sana’y mag-last na. Gusto ni Mommy Lydia na makitang muling masaya ang kanyang anak. Mabuti na lamang daw at meron itong anak na si Alex Jazz at trabaho na pinagbubuhusan ng kanyang attention.

Mag-iinang LT, Rap-Rap, at Renz ginagabayan ni Rudy

Sayang at wala na ang action superstar na si Rudy Fernandez. Hindi niya tuloy nasaksihan ang pagiging aktibo sa showbiz ng kanyang binata na si Renz Fernandez. Kung buhay pa sana si Daboy (palayaw ni Rudy) ay tiyak na masayang-masaya ito sa kanyang bunsong anak sa asawang si Lorna Tolentino.

Nung nabubuhay pa si Daboy, pangarap niya sa kanyang mga anak na sina Rap-Rap at Renz na magtapos muna sa kanilang pag-aaral bago mag-showbiz na tinupad ng dalawa.

Sa dalawa, mas gusto ni Rap-Rap ang directing at si Renz naman sa acting although open pa rin naman ang una sa larangan ng pag-arte. Kahit wala na si Daboy sa kanilang piling, nariyan pa rin naman ang never ending na suporta ng kanilang mahal na ina, ang award-winning actress na si LT.

Ang mag-inang LT at Renz ay may tumatakbong magkahiwalay na programa sa GMA, si LT ay sa Genesis at si Renz naman ay sa Prinsesa ng Buhay Ko. Feeling ng mag-iinang LT, Rap-Rap, at Renz ay nariyan lang sa kanilang paligid si Daboy at patuloy silang sinusubaybayan at ginagabayan.

Marian puwedeng bumawi kina Piolo o John Lloyd

Dahil sa malaking tagumpay ng unang tambalan nina Dingdong Dantes, at Bea Alonzo sa pelikulang She’s the One under Star Cinema, hindi malayong magkaroon ng follow-up project ang dalawa sa isang taon.

Masayang-masaya pareho ang dalawang bida sa kinalabasan ng kanilang unang tambalan. Masaya rin siyempre para sa kanila sina Marian Rivera at Zanjoe Marudo, ang respective loves nina Dingdong at Bea.

Since nakagawa na rin si Marian ng pelikula released ng Star Cinema, posible rin marahil na gumawa siya ng pelikula produced ng film firm to co-star her with the Kapamilya male leads. Puwedeng either kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang kanyang makapareha.  Depende lang talaga sa project na kanilang gagawin at magdidirek ng pelikula.

Coco kulang na lang ng box-office hit

Thirty-two years old na si Coco Martin kahapon, Nov. 1, pero hanggang ngayon ay certified bachelor pa rin siya at nananatiling loveless up to this time.

Maganda na ang tayo ng aktor bilang isang major star ng ABS-CBN at maganda na rin ang kanyang income. Kung tutuusin kaya na rin niyang magkaroon ng bagong relasyon at magbuo ng isang pamilya kung nanaisin niya pero hindi ito ang kanyang priority sa ngayon kundi ang kanyang acting career.

Bilang actor, wala nang dapat patunayan pa si Coco pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapatunayan ang pagiging box-office actor sa pelikula. Lahat ng kanyang mga ginawang teleserye ay pawang successful that made him what he is today pero wala pa siyang maipagmamala­king box-office movie to his credit.

             

vuukle comment

DABOY

JENNYLYN

KANYANG

MOMMY LYDIA

RAP

RAP-RAP

RENZ

RIN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with