^

PSN Showbiz

Kris nag-alsa balutan na sa condo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ibinalita ni Kris Aquino last Friday via Instagram na last night na nilang mag-iina sa unit nila sa One Roxas Triangle dahil lumipat na sila sa nabiling bahay. Hindi sinabi ng TV host-actress kung saan ang nabiling bahay at ang sabi lang ay “My son and I are excited for our new home which is less than five minutes away from all my sisters.”

Sa mga nakakaalam kung saan nakatira ang mga kapatid na babae ni Kris, alam kung saan ito finally nakabili ng bahay. Matatandaang may nagustuhan itong bahay sa Ayala, Alabang at naka-schedule na rin silang lumipat at may house blessing na nga, pero hindi natuloy dahil nagkaroon ng problema sa bahay.

Dagdag na post ni Kris: “We’ve loved living here (condo) but the opportunity to move to a new home near my sisters came and I made the decision to prioritize being near family.”

Binanggit nitong isang linggo na silang nag-iimpake ng kanilang mga gamit na ang iba ay nakalagay sa Rimowa luggages na nakahilera.

Ogie emotional sa bf ng panganay na anak

Forever na yata ang kontrata ni Ogie Alcasid sa Universal Records dahil nag-renew ito ng panibagong kontrata. Seven years na siya sa UR at wala ng planong lumipat ng ibang recording company dahil masaya siya at inaalagaan.

Kasama sa plano ng UR sa panibagong kontrata ni Ogie ay ang pag-release ng vinyl o LP ng past albums niya. Nire-request ito ng collectors at kahit may kamahalan ay gagawin ng UR. Saka nila isusunod ang new album ni Ogie.

Busy si Ogie mula nang lumipat sa TV5 with three shows at bilang head ng mu­sic department. In fact, sa contract-signing event ni­ya sa UR ay galing pa siya sa taping ng The Gift, ang soap nila nina Ara Mina at Nadine Samonte na mag­pa-pilot sa Oct. 14.

Aalis pala ang singer-co­median sa Oct. 16 para dumalo sa 16th birthday ng anak na si Leila. Ang pa­rents lang nito ang kasama dahil sabay ang birthday ng anak at ng ama. Med­yo emotional si Ogie dahil may boyfriend na ang anak na ayaw banggitin ang name dahil baka magalit si Leila. In an earlier interview, pinanga­lanan niya ang BF ng anak, mahanap nga ang notebook kung saan namin isinulat ang name ng guy.

 

vuukle comment

ARA MINA

DAHIL

LEILA

NADINE SAMONTE

OGIE

OGIE ALCASID

ONE ROXAS TRIANGLE

SHY

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with