^

PSN Showbiz

Megan mangiyak-ngiyak nang makita ang palasyo ng Reyna sa London, nagmamadali na ring makauwi

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang makadalo sa Cannes Film Festival ang isa sa mga pangarap ni Megan Young at malaki ang tsansa na mangyari ‘yon dahil sa kanyang beauty title na Miss World 2013.

Gustung-gusto ni Megan na makapunta sa Cannes bilang film student siya. May koneksiyon sa kanyang course ang kagustuhan niya na maranasan na umapir sa isang prestigious film festival.

Rumampa na si Megan sa London na magi­ging tahanan niya sa loob ng isang taon, hanggang matapos ang kanyang reign.

First time ni Megan sa London kaya halos maiyak siya nang makita niya ang palasyo ni Queen Elizabeth, ang Big Ben at ang London Eye. Hindi nag-attempt si Megan na sumakay sa London Eye dahil takot siya sa mga lugar na matataas.

Gustong-gusto nang bumalik ni Megan sa Pilipinas. Miss na miss na raw niya ang kanyang pamil­ya, mga kaibigan at siyempre, ang ating bayan. Halos hilahin ni Megan ang araw para makabalik na siya sa  bansa natin.

Very tight ang schedule ni Megan sa London kaya malabo na magkita sila ni Gretchen Barretto. Kabi-kabila ang kanyang interviews. Pero sure na ang pagdating niya sa October 11.

Matatagalan din si Gretchen sa London dahil sinasamahan niya ang anak na si Dominique na doon nag-aaral.

Mabuti na lang, nasa ibang bansa si Gretchen dahil kung naririto siya sa Pilipinas, magugulo lamang ang kanyang buhay dahil sa  never- ending controversy na nangyayari sa pamilya niya.

Hinulaan Claudine at raymart magkakaayos sa kapakanan ng mga anak

Asking ang mga tao na nalilito sa sunod-sunod na kaso na isinasampa ni Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago.

Gusto ba raw ni Claudine na makulong si Raymart kung sakaling mapatunayan na guilty ito? Maaatim ba niya na makulong ang ama ng kanyang mga anak?

Magpapanggap ako na manghuhula. Nakikita ko na magkakasundo sa bandang huli sina Claudine at Raymart alang-alang sa kapakanan ng kanilang mga anak. Galit pa ang umiiral ngayon sa mga damdamin nila kaya mas madali kina Raymart at Claudine ang humingi ng tulong sa korte para maayos ang kanilang mga personal na problema.

Sen. Jinggoy parang hindi apektado

Nagkausap kami ni Senator Jinggoy Estrada sa cellphone noong Biyernes at sa tono ng kanyang boses, okey na okey naman siya.

Nagkasundo kami ni Papa Jinggoy na magkikita kami sa lalong madaling panahon. Excited ako dahil marami akong itatanong sa kanya. Mga question na matagal nang gumugulo sa aking busilak at walang kamali-malisya na pag-iisip.

Anak nina Joey at Alma nagti-training na maging beauty queen

Hindi si Megan Young ang huling artista na nangarap na maging beauty queen dahil ito rin ang dream ni Winwyn Marquez, ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Twenty-one years old na si Winwyn pero hindi siya nagmamadali. Naghihintay siya ng proper time sa pagsali sa beauty contest. Matangkad, morena, matalino at maganda si WinWyn na graduate mula sa isang prestigious school.

Beauty queen material ang bagets at nasa lahi nila na maging beauty queen dahil tiya niya si Melanie Marquez.

Malakas ang kutob ko na matutupad ang pangarap ni WinWyn na magkaroon ng beauty title. Sayang naman ang  nickname niya kung hindi siya mananalo ‘no!

Hindi nagkamali si WinWyn sa desisyon na hingin ang tulong ni Jonas Gaffud na expert sa training ng future beauty queens. Si Jonas at ang grupo nito ang nasa likod ng success nina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon at Megan sa mga international beauty contest.

vuukle comment

BEAUTY

CLAUDINE

DAHIL

KANYANG

LONDON EYE

MEGAN

NIYA

RAYMART

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with