^

PSN Showbiz

Mga karelasyon nina Aiza at Charice bidang-bida sa concert

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw magsisimula ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na Magkano Ba ang Pag-ibig? na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Sid Lucero.

Excited si Heart tuwing may taping sila sa Laguna, hindi lang dahil sa makakasama niya ang mga kaibigan niyang sina Alessandra de Rossi, Katrina Halili, at Isabel Oli kundi nakikita niya roon sa location ang mga alaga niyang aso at pusa.

Hindi lang kasi maiuuwi ni Heart ang naturang ha­yop dahil marami sila.

Kaya nagbabaon ito ng dog at cat food kapag pumunta ng taping para pakakainin niya ang mga ito.

PAK: Dahil sa pagkapanalo ni Megan Young bilang kauna-unahang Pinay na Miss World, mala­king pressure ito ngayon sa Binibining Pilipinas dahil inaasahan ding magwawagi ang Binibining Pilipinas Universe na si Ariella Arida.           

Totoo kayang hindi interesado si Stella Marquez-Araneta kay Megan kaya hindi niya ito isinali sa Bini­bining Pilipinas?

Mukhang laos na si Mrs. Araneta sa pag-groom ng mga beauty queen at matatalbugan na ito ni Cory Quirino na siyang may hawak ng franchise ng Miss World Philippines.

BOOM: Tanggap na tanggap ng fans ang love life nina Charice at Aiza Seguerra sa kanilang Power of Two concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nung kamakalawa ng gabi.

Inalayan ni Aiza ng awitin ang karelasyon nitong si Liza Dino at si Charice naman ay pinaakyat sa stage si Alyssa Quijano para maka-duet ito.

Pero naging emotional si Charice nang kinanta ang Maghintay Ka Lamang na theme song nila ng kanyang mommy.

Malat naman ang boses ni Aiza dahil kalalabas lang pala nito ng ospital.

 

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALYSSA QUIJANO

ARIELLA ARIDA

BINIBINING PILIPINAS

BINIBINING PILIPINAS UNIVERSE

CHARICE

CORY QUIRINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with