^

PSN Showbiz

Anak nina Alma at Joey, interesadong gayahin ang kanyang tita Melanie

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ex couple Joey Marquez and Alma Moreno’s daughter, Wyn Marquez is not discounting the possibility na sumali sa isang beauty contest balang araw tulad ng kanyang tiyahing si Melanie Marquez na naging Miss International.

Nakuha ni Wyn ang tangkad ng mga Marquez at mag­kahalong Joey at Alma naman ang kanyang mukha.

Tulad ng kanyang equally popular parents, Wyn-Wyn is also trying it out in showbiz tulad ng kanyang mga half-siblings na sina Mark Anthony Fernandez  (anak ni Alma Moreno sa yumaong action su­perstar na si Rudy Fernandez) at Vandolph Qui­zon (anak ni Alma sa yumaong comedy king na si Dolphy).

Kung anuman ang magiging desisyon ni Wyn sa kanyang pagsali sa isang beauty contest balang araw ay suportado siya ng kanyang pamilya. In the meantime, focus muna siya sa kanyang showbiz career. Kasama si Wyn sa bagong suspense-thriller TV series ng GMA, ang Dormitoryo. 

My Little… pag aagawan ng dalawang network

Sino kaya ang magiging TV media partner ng MMFF entry na My Little Bossings? Ang ABS-CBN kaya o ang GMA? Bukod kina Vic Sotto at Kris Aquino, co-producer din ng pelikula ang OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad at APT Entertainment ni Tony Tuviera.

Anak ni Alma Concepcion mag-aartista na rin?

Kahit matagal nang hiwalay ang dating beauty queen at aktres na si Alma Concepcion sa ama ng kanyang 13-year-old son na si Kobe, ang businessman na si Dodie Puno, nanatili silang magkaibigan.  Ayon kay Alma, never umanong tumalikod ang ama ni Kobe sa responsibilidad sa kanyang anak at very close umano ang mag-ama.

Malaki ang challenge kay Alma bilang isang single mom at para lamang silang magkabarkada ng kanyang anak when they’re together. Guwapo at matangkad si Kobe at nag-aaral sa Ateneo. Hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay pumasok na rin sa pag-aartista na hindi naman kataka-taka dahil na rin kay Alma at great grandparents nito na artista rin.

Although aktibo pa rin si Alma sa kanyang showbiz career, ipinagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral ng Interior Design sa U.P.

Si Alma ay kasama sa indie movie na Babagwa na dinirek ni Jason Laxamana.

vuukle comment

ALMA

ALMA CONCEPCION

ALMA MORENO

BOSS ORLY ILACAD

DODIE PUNO

INTERIOR DESIGN

JASON LAXAMANA

KANYANG

KOBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with