^

PSN Showbiz

Sa sobrang selosa Maja aminadong tsini-check ang cell phone ni Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang buwan na ring magkarelasyon sina Maja Salvador at Ge­rald Anderson ngayon. Aminado si Maja na may pagkaselosa siya kaya madalas niyang ting­nan ang cell phone ni Gerald noon.

“Selosa ako eh pero nga­yon nako-control ko. Kung dati ma­pang-check ako ng phone, ngayon wala,” pagtatapat ni Maja. “Parang feeling ko kasi may mga bagay na meron kayong sine-share sa isa’t isa. Meron din naman ’yung sa sarili mo lang.”

Pero mapagmahal naman si­yang girlfriend kay Gerald at ganoon din naman ang aktor sa kanya.

“Buhos eh. Alam ko pa rin naman kung paano magtira sa sarili ko pero gusto ko ’yung mga mahal ko sa buhay, hangga’t kaya kong gawing happy sila, mapasaya sila, kahit sa maliit lang na bagay, gagawin ko kasi sobrang mahalaga sa akin ’pag nakikita ko na napapangiti sila. Grabe rin naman siya magparamdam kung gaano ako ka-espesyal,” paliwanag ng aktres.

Kahit nagmamahalan sina Gerald at Maja ay masaya sa kanilang relasyon at hindi pa rin daw nawawala ang kanilang mga basher.

“Sobrang okay, masaya. Hindi mo nararamdaman ang problema, ang mga stress sa buhay. Parang siyempre, it’s your choice kung paano mo iha-handle ’yung mga problem at nangyayari sa buhay mo.

“It’s your choice kung didibdibin mo at lagi mong iintindihin ’yun or maging positive ka lang. And I am happy,” deklara ng dalaga.

Samantala, magkasamang dumalo sina Maja at Ge­rald sa Star Magic Ball noong Sabado ng gabi at ang magkasintahan ang nagawaran bilang best dressed sa nasabing event.

Andi ’di magpapadaig kay Snooky

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang Galema: Anak ni Zuma na pagbibidahan ni Andi Eigenmann. Nakikita sa teaser ng serye si Andi na mayroong ahas sa kanyang balikat pero ayon sa aktres ay mabait naman daw siya dito bilang si Galema.

“Hindi siya galit. Pinalaki siya as normal young lady ng mga mababait na tao. Mabuti ang kanyang loob. Mabait siyang tao. She cares for people. Nagkataon lang na there are things she can’t help because of who she is, na anak ni Zuma,” paglalarawan ni Andi.

 Matatandaang si Snooky Serna ang gumanap noong dekada 80 sa pe­likula bilang si Galema. Malayung-ma­layo na raw sa ginawa ni Snooky ang gagawin ni Andi sa bagong serye.

“Dito po kasi, una sa lahat, teleserye na ’to. Iba na ang panahon ngayon, marami ng bagong technology. Iba na ’yung kinahihiligan ang nag-e-entertain sa mga tao, sa mga manonood. Kaya alam ko po na ibang-iba siya. At the same time, ’yung idea, ’yung main point, nando’n pa rin. Iyong message, moral ng story, ’yun ang imi-maintain pero marami nang pagbabago,” paliwanag ni Andi.

Makakasama rin ng aktres sa Galema sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at Derick Hubalde na gaganap bilang si Zuma.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

CARLOS MORALES

DERICK HUBALDE

GALEMA

MAJA

SHY

ZUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with