^

PSN Showbiz

Hobby na ang pagde-demanda? Claudine kinasuhan naman ng perjury si Raymart

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magkakasunod na mataas ang rating ng Celebrity Bluff.

Sa darating Sabado ay mga major support ng My Husband’s Lover na sina Roi Vinson, Bettina Carlos, at Kevin Santos ang maglalaban sa kalahating milyong pisong jackpot.            

Umariba pa nang husto si Wally Bayola na isa sa mga gangnam kasama sina Jose Manalo at Brod Pete.

Kuwelang-kuwela pa ang ginawa ni Wally na gumanap bilang bading na general.

Pero kahapon ay no show ito sa taping ng Celebrity Bluff.

PAK: Naging hobby na ni Claudine Barretto ang pag-file ng kaso laban sa asawa niyang si Raymart Santiago.

Kahapon ay nagsampa ito ng kasong Perjury laban kay Raymart at sa mga abugado nito.

Isinampa ng aktres ang naturang kaso sa Pasig City Hall of Justice.

Ayon kay Claudine at ng abugado niyang si Atty. Ferdie Topacio, kaya raw sila nag-file ng Perjury dahil sa sinabi raw nina Raymart at ng abugado nito na walang pending case nung nag-file sila ng kasong Habeas Corpus para sa child custody. Meron na raw TPO na pending case nung panahong iyun kaya malinaw daw na nagsinungaling sina Raymart sa korte.

BOOM: Nung nakaraang linggo pa pala nag-resign sa Eat Bulaga ang EB Babes member na si Yosh Rivera.

Ayaw sagutin ng mga taga-Eat Bulaga ang rason ng pag-resign ng kontrobersyal na dancer.

Kahit mga host ay tahimik din at wala silang komento sa iskandalong kinasangkutan nina Wally Bayola at ni EB Babe Yosh.

 Si Wally naman ay pansamantalang hindi raw muna mapapanood sa Eat Bulaga at walang makapagsabi kung kailan siya babalik.

 

vuukle comment

BABE YOSH

BETTINA CARLOS

BROD PETE

CELEBRITY BLUFF

CLAUDINE BARRETTO

EAT BULAGA

FERDIE TOPACIO

RAYMART

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with