^

PSN Showbiz

Marian tumulong sa brainstorming ng bagong show!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang resulta ng meeting ni Marian Ri­vera sa mga bossing ng GMA Network, Inc. last week para pag-usapan ang bago niyang soap. Three concepts were presented to Marian and her team through a Powerpoint presentation na pawang magaganda at isa rito ang nagustuhan ng kampo ng aktres.

Sa sobrang excited daw ni Marian sa bagong project niya, ’yung meeting ay natuloy sa brain­storm­­ing. Natuwa ang writers dahil nagbigay ng inputs si Marian at nakita rin ng mga bossing dahil alam kung ano ang gusto ng aktres. Nabanggit ni Marian na gusto niyang ibigay sa fans ay kung ano ang kanilang gusto.

Ang sabi, sa October sisimulan ang production ng soap, pero wala pang airing date na sinabi. Hindi pa rin alam kung sino ang makakasama ni Marian at ang iba ay idadaan sa audition.

This week, ang sitcom naman ang ipi-present kay Marian ng GMA 7 at maaalaalang matagal nang gusto nitong balikan ang paggawa ng sitcom.

Samantala, bukod sa isu-shoot na TV commercial ng isang dating endorsement, may bago pang endorsement si Marian ng isang drink na paborito ng marami. May tatlo siyang kasamang endorsers at makakasama rin sa TVC na ngayon ang sche­duled ng shoot.

Kris mag-aaral mag-chacha

Nag-guest sa Kris TV ni Kris Aquino sa ABS-CBN kahapon si Ryzza Mae Dizon kasama si Bimby Yap. Sun­day ginawa ang ta­ping nang nasabing episode na kina­gili­wan ng lahat dahil first time ma­kitang magkasama ang mga bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Little Bossings (ito na raw ang final title ng movie).

Kasunod nito, nag-guest din sina Kris at Bimby sa The Ryzza Mae Show at napasayaw ng Kapuso child wonder ng chacha si Bimby. Si Kris ay nangako na sa muli niyang paggi-guest sa show ni Ryzza Mae ay magtsa-chacha rin pero mag-aaral muna siya.

Tuloy na rin sa Sept. 8 ang first day shooting ng movie ng dalawang bagets kasama sina Kris at Vic Sotto at bale co-producers din ang dalawa kasama si Mr. Orly Ilacad.

Talent fee ni Direk Laurice sa GMA, sobrang laki

“The offer is good” ang consistent na sagot ni Direk Laurice Guillen sa tanong ng press kung bakit napapayag siya ng GMA Network na idirek ang Akin Pa Rin ang Bukas na first teleserye niya palang ididirehe. Kasama na sa sagot nito ang talent fee na bawal sabihin.

Wala siyang kontrata sa GMA at puwede siyang lumipat sa ibang network after ng Akin Pa Rin... pero nagbiro na if may offer ay hindi na bababa sa talent fee niya sa Kapuso Network.

Isa pang ikinagusto ni Direk Laurice working with Channel 7, may cut-off siya at hanggang 12 m.n. lang ang taping, maliban na lang kung may importanteng eksenang kailangang makunan. 

Natuwa si Direk Laurice sa nalamang thankful si Lovi Poe na siya ang director nito sa Akin Pa Rin... dahil concerned ang director pati sa hitsura ng mga artista. Pati makeup at damit na isusuot, tinitingnan din ng direktora. Sabi naman nito, ang atake niya sa soap ay para siyang gumagawa ng pelikula.

Bahay ng mga Romulo lilibutin ni Kara

Bahay nina Roman Romulo at asawang si Shalani Soledad-Romu­lo ang featured sa Powerhouse, 8 p.m., this Tuesday. Mapapanood ang paglilibot ni Kara David sa bahay ng mga Romulo sa GMA News TV.

Eight weeks na ngayon na si Kara ang host ng Powerhouse kapalit ni Ms. Mel Tiangco at hindi nagkamali si GMA News TV’s Channel Head Nessa Valdellon na si Kara ang ipalit kay Ms. Mel dahil magaling itong host at mahusay magsulat ng script.

vuukle comment

AKIN PA RIN

BIMBY

BIMBY YAP

CHANNEL HEAD NESSA VALDELLON

DIREK LAURICE

KARA

MARIAN

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with