^

PSN Showbiz

Derek basta-basta initsapwera ang non showbiz gf, pag-amin kay Cristine mabilisan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi inamin ni Derek Ramsay ang relasyon niya kay Alexa Amos at consistent ang aktor sa pagsasabing kaibigan lang niya ang dalaga. Kaya marami ang nagulat sa post ng dalaga sa Instagram na kahit walang binanggit na pangalan, parang alam na at kung ano at sino ang pinatutungkulan.

Naka-private ang IG account ni Ms. Alexa kaya parang hindi tama na i-quote ang kanyang post. Saka wala siyang binanggit na pangalan, pero may sinabing “separation” at nakiusap na mag-move on ang lahat.

On the other hand, ang bilis inamin ni Derek ang relasyon nila ni Cristine Reyes, isang araw pa lang ang kanilang relasyon, inamin na agad na nakakagulat. Nasanay kasi tayo sa showbiz couple na nagde-deny at saka lang umaamin kung matagal na ang relasyon at kung minsan, kapag break na.

Nakita namin si Alexa Amos sa presscon ng Kidlat ng TV5 na pinagbidahan ni Derek. Kasama nito sa mesa ang ibang friends ni Derek at kitang close sa parents ng aktor dahil masaya itong nakikipag-usap sa mga magulang ni Derek.

Sarah magpapa-sexy sa perfect 10

Ang ganda ni Sarah Geronimo sa mga litratong nakita namin na publicity photos   para sa Perfect 10 concert sa Smart Araneta Coliseum sa November 15. Kaya naman pala nitong magpaka-sexy ng konti gaya nang pagpapakita ng konting cleavage at konting parte ng hita.

Sa pictorial pa lang, may pangkabog na si Sarah at ang Viva Concerts, producer ng concert, kaya nag-i-expect kami ng iba pang surprises sa darating na concert ni Sarah na selebrasyon ng 10th  anniversary sa showbiz.

Isang gabi lang ang Perfect 10  concert ni Sarah kaya ‘wag palalampasin lalo na ng kanyang loyal fans at suking manood ng concert ni Sarah.

Anak ni Direk Laurice hindi nag-deny na ka-package deal ng nanay

First time maidirek ni Laurice Guillen sa TV ang anak na si Inna Feleo na gaganap na ina ni Lovi Poe sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Aminado ang aktres na nailang siya sa ina nang kunan ang love scene nila ni Gary Estrada dahil naka-ilang takes at maraming anggulo ang kinunan ni direk Laurice.

Ilang ulit daw niyang tinanong ang ina kundi pa tapos ang eksena dahil naiilang na nga siya, pero tuloy ang giling ng camera. Nilakasan na lang niya ang loob hanggang matapos ang eksena.

Napabilib si Inna ng inang si direk Laurice dahil kahit walang actual kissing scene, very sensual lumabas ang eksena nila ni Gary. Mapapanood ang love scene nila sa pilot week ng Akin Pa Rin Ang Bukas.

Gusto namin ang hindi pagdi-deny ni Inna sa tanong kung package deal sila ni inang si direk Laurice.

 â€œNgayon lang niya ginawa ito na isama ako sa project niya. Marami na siyang friends na nagsabi sa kanyang tulungan ako dahil matagal na ako sa showbiz hindi niya ako tinutulungan. Hindi niya ugali at ayaw niyang masabihang ginagamit niya ang influence niya. First time na tinulungan niya ako at inalagaan ako,” sagot nito.

Masaya si Inna para sa ina dahil nakikitang masaya sa trabaho niya sa GMA Network. May artistic freedom ito at spoiled sa set, tinatambakan ng pagkain na ikinababahala niya dahil tumataba.

Max beautiful person and soul ang tingin kay Direk Maryo

Itinuturing ni Max Collins na isa sa biggest bles­ings sa career niya ang pelikulang Bamboo Flowers dahil natupad ang matagal na niyang pangarap na makagawa ng pelikula. Ang maganda pa, makaka-inspire ito sa mga manonood ‘pag ipinalabas simula September 11-17 sa Sining Pambansa National Film Festival All-Masters Edition exclusive sa SM cinemas.

Excited din si Max sa prospect na ipanlaban sa international film festival ang pelikula at ito rin ang plano ni director Maryo J. Delos Reyes. Kasama rin sa plano ng director na i-endorse ang movie ng CHED para maipalabas sa mga ekswelahan.

Sinasabing si Max ang bagong favorite actress ni direk Maryo simula nang magkatrabaho sila sa soap na Pahiram ng Sandali. Very open sa kanyang paghanga ang director at mukhag may mutual admiration ang director at aktres dahil wagas din ang paghanga ng dalaga sa director.

Ikinatuwa ni direk Maryo ang pahayag ni Max na hindi lang director at mentor ang turing niya sa director, kaibigan din niya ito dahil marami siyang natutunan at malaki ang tiwala sa kanya. Tinawag pang “beautiful person and beautiful soul” ang director at big blessing ang pagdating nito sa kanyang buhay.

vuukle comment

AKIN PA RIN ANG BUKAS

ALEXA AMOS

BAMBOO FLOWERS

DAHIL

DEREK

DIRECTOR

INNA

LANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with