^

PSN Showbiz

Ogie nanghihingi rin ng P1 million dasal para sa father in law

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahit magkakaedad lang ang apat na batang bida ng One Day Isang Araw, si Jillian Ward pa rin ang tinuturing nilang ate dahil siya ang naunang nag-artista.

Parang role model din nila si Jillian na sinusunod nila na dapat ay pag-aaral pa rin ang priority kesa sa showbiz career.

Pero sabi ni Jillian, kahit makapagtapos daw siya ng pag-araal, gusto pa rin niyang tuluy-tuloy ang pag-aartista at sundan ang yapak ni Marian Rivera.

Si Milckah Nacion naman ay gustong ma­ging Rhian Ramos. Si Aljur Abrenica naman ang gustong sundan ni Joshua Uy. At si Sen. Bong Revilla, Jr. naman ang idol ni Marc Justin Alvarez.

PAK: Kinasuhan ng movie reporter na si Joey Sarmiento ang non-showbiz boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce ng physical injury at grave threat sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon.

Bago nag-file ng kaso ay nagpa-presscon muna si Joey kasama ang officials ng National Press Club para ihayag ang mga umano’y pambubugbog sa kanya nang pumunta siya sa shooting ng 10,000 hours na prinodyus ni Neil.

Sinubukan naming hingan ng pahayag si Neil kaugnay dito pero nakiusap itong huwag muna siyang magsalita bilang payo ng kanyang abogado.

Maglalabas daw sila ng statement kaugnay sa gulong ito bukas.

BOOM: Marami ang nag-alala sa kalagayan ngayon ng ama ni Regine Velasquez na si Mang Gerry. Marami ang curious kung ano na ang kalagayan ng matanda pero base sa mga nakakausap namin ay okay naman daw ito.

Pero kahit si Ogie Alcasid ay nire-repost din ang pino-post ni Regine na humihingi ng one million prayers para sa kanyang ama.

Mabilis namang nag-respond ang followers ng Asia’s Songbird at nagpahayag ng suporta sa pagdarasal sa mabilis na paggaling ni Mang Gerry.

Kahapon ay panay ang post ni Regine ng mga lumang litrato nito kasama ang kanyang ama. Kaya lalong nag-aalala ang mga taong nagmamahal sa kanya lalo na kay Mang Gerry.

 

vuukle comment

BELA PADILLA

BONG REVILLA

JILLIAN

JILLIAN WARD

JOEY SARMIENTO

JOSHUA UY

MANG GERRY

MARAMI

MARC JUSTIN ALVAREZ

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with