^

PSN Showbiz

Ogie opisyal na ang pagiging Kapatid, pipirma na ng kontrata

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Opisyal na ang pagiging Kapatid star ni Ogie Alcasid dahil ngayon ang kanyang contract signing sa TV5.

Hindi na puwedeng ipagpaliban ang pagpirma ni Ogie dahil baka abutin siya ng Ghost Month na iniiwasan ng mga may business deal.

Magkikita kami ni Ogie pagkatapos ng kanyang contract signing at siguro naman, may mga maikukuwento na siya tungkol sa mga project niya sa TV5. Si Ogie ang magiging head ng Music Department ng TV5 at siyempre, iba pa ang mga show na gagawin niya para sa TV station ni Papa Manny Pangilinan.

Ang TV5 ang official media partner ng 25: I Write The Songs, ang anniversary concert ni Ogie sa Mall of Asia Arena sa August 16. I’m sure, full support ang ibibigay sa kanya ng TV5 management at ng contract stars nito.

Kuya panay halik kay Pauleen

Paolo Pingol ang name ni Kuya, ang star ng TV ad ng isang sikat na fastfood chain. Twenty-one years old na si Paolo, may Down Syndrome siya at biggest crush niya si Pauleen Luna.

Dinalaw ni Pauleen si Paolo sa bahay nito sa Pasig City. Ipinalabas noong Linggo sa Kapuso Mo Jessica Soho ang pagkikita ng dalawa.

Chickboy na chickboy si Paolo ‘ha? Humingi pa siya ng paumanhin kay Bossing Vic Sotto dahil paulit-ulit ang paghalik niya kay Pauleen.

Tuwang-tuwa si Paolo dahil dinalaw siya ni Pauleen. Maligayang-maligaya rin ang kanyang mga magulang na very proud sa kanilang anak na sikat na dahil sa TV commercial. Parehong napaiyak ang mga magulang ni Paolo nang makita nila na umaarte sa harap ng kamera ang anak na bibung-bibo at madaling makaunawa sa instructions ng direktor. Hindi ako magugulat kung madagdagan pa ang TV ads na gagawin ni Paolo.

Francine hindi inamin na siya ang nakabuyangyang sa internet

Maganda ang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho noong Linggo dahil interesting ang mga kuwento ni Mama Jessica.

Ininterbyu ni Mama Jessica ang Supersireyna Queen of Queens na si Francine Garcia na hindi nag-deny pero hindi rin inamin na siya ang nasa nude pictures na kumalat sa Internet noong nakaraang linggo.

Operada na si Francine. Sumailalim siya sa sex reassignment surgery sa Bangkok noong 2011. Hindi siya natakot sa operasyon dahil gustung-gusto niya na maging babae. Masuwerte si Francine dahil tanggap na tanggap siya ng kanyang pamilya na suportado ang desisyon niya na magkaroon ng flower!

Dream ni Francine na maging artista. Nagpakita siya ng sample ng kanyang acting. Kung seryoso si Francine na pumasok sa showbiz, mag-enroll muna siya sa isang acting workshop para mahasa ang kanyang talent.

Bakla waging Best actor

Win sa Cinemalaya si Mimi Juareza, ang co-star ni Francine sa Quick Change. Magaling umarte si Mimi kaya siya ang nanalo ng best actor trophy.

May mga nagprotesta at nagdunong-dunu­ngan. Nanalo raw dapat si Mimi sa best actress category, hindi sa best actor category dahil babae siya!

Pinairal ng mga nagpoprotesta ang katangahan. Babae lang si Mimi dahil sa kanyang physical appearance pero mhin pa rin siya nang isilang. Katangahan na sabihin na babae si Mimi dahil kitang-kita sa frontal nudity scene niya sa Quick Change ang kanyang pototoy. May mga Pinoy talaga na binabaluktok ang naghuhumiyaw na katotohanan. Hindi pinag-iisipan ang mga sasabihin. Hmp!

 

vuukle comment

DAHIL

FRANCINE

KANYANG

KAPUSO MO JESSICA SOHO

MAMA JESSICA

MIMI

PAULEEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with