^

PSN Showbiz

Julia ’Di nakikisawsaw sa awayan ng kanilang pamilya

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tingnan mo nga naman, sa halip na makihalo sa away ng kanyang pamilya, mas gustong isipin ni Julia Barretto na magbabalik ABS-CBN ang iniidolo niyang tiyahin na si Claudine Barretto at may tsansa pa na magkasama sila sa isang proyekto.                                     

May launching vehicle na si Julia at sina Kiko Estrada at Diego Loyzaga ang leading men niya. Totoo ba ’yung narinig ko na medyo malakas ang dating ng anak ni Gary Estrada sa mga kumausap sa kanyang media? Well, trabaho siguro ng ABS-CBN na sabihan siya para hindi maka-turn off ng media.

Mahusay din daw itong umarte at kailangan niya ng suporta ng media para siya tuluyang umangat. Kaya, Kiko, humingi ka ng tips kay daddy na napakaganda ng PR skills.

Marian hindi na makakabalik ng Siyete kapag nakalabas ng Singko?!

Si Marian Rivera kaya ang susunod na leading lady ni Derek Ramsay? Balitang nakikipag-usap na ang kampo ng aktres sa ilang mahahalagang tao ng TV5, na sigurado namang may kinalaman sa paglabas nito sa nasabing istasyon.

Pero baka naman sa paglabas nito sa Singko ay hindi na ito makabalik ng Siyete?

Janella Salvador may hawak na alas

  Ang laki ng pagkakahawig ni Janella Salvador kay Julia Barretto ha? Pareho rin silang nagmula sa isang showbiz family. Lingid sa kaalaman ng marami, anak si Janella ng former Miss Saigon na si Janine Desiderio at ng magaling na singer na si Juan Miguel Salvador.

Ito ang lamang ni Janella sa marami niyang kasabayan, bukod sa marunong siyang umarte ay marunong din siyang kumanta. Laban kayo?

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

DEREK RAMSAY

DIEGO LOYZAGA

GARY ESTRADA

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JANINE DESIDERIO

JUAN MIGUEL SALVADOR

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with