^

PSN Showbiz

Aktor nagpakasal sa transsexual na nakilala sa Japan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Na-maintain ng One Day, Isang Araw ang mataas na rating base sa survey ng AGB.

Nung nakaraang Sabado ay nakakuha ito ng 14.6 percent sa household rating.

PAK: Isang young actor na galing sa StarStruck ang nakumpirmang nagpakasal sa isang mujeristang ba­ding.

Hindi na gaanong active itong si aktor at madalas ay nasa probinsiya siya sa Kabisayaan. Pero nakaraket ito sa Japan at doon ay nakilala niya at nakarelasyon ang isang magandang showgirl na isang transsexual.

Sa Japan daw sila nagpakasal at nakabalik na sila ng bansa dahil may itatayong negosyo raw si transsexual para sa kanila ni young actor.

Abangan ang kuwentong ito na binubuo pa ng Startalk.

BOOM: Napapabalita ang nalalapit na pagkatsugi ng Ang Latest pero hindi pa namin ito nakukumpirma sa ilang taong involved sa naturang programa.

Ang narinig lang namin, balak kunin ng isang malaking TV network ang isa sa main hosts ng Ang Latest para bigyan ng isang talk show. Pero wala pang katiyakan iyon dahil hindi pa yata nakakausap si TV host.

May isa ring host sa TV5 na nagpaparinig daw sa isang malaking TV network na kunin siya dahil unti-unti na siyang hindi nakikilala ng mga tao.

 

vuukle comment

ABANGAN

ANG LATEST

ISANG

ISANG ARAW

KABISAYAAN

NAPAPABALITA

ONE DAY

PERO

SA JAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with