^

PSN Showbiz

Asong nagsalba ng buhay ng 2 bata, nasa Magpakailanman

LS - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang isang kuwento ng kaba­yanihan.

Itinatampok sina Jillian Ward, Snooky Serna, at Mr. Ricky Davao.

Nakilala si Kabang bilang “hero dog,” dahil sa kanyang kabayanihan. Ngunit nang iligtas niya ang dalawang bata mula sa tiyak na kapahamakan, hindi lang ang mga ito ang binigyan niya ng bagong pag-asa sa buhay.

Hindi mabubuo ang kuwento ni Ka­bang nang hindi nagsisimula sa buhay ni Rudy, isang simpleng lalake na gustong magsilbi sa kanyang bayan bilang sundalo--isang pangarap na agad puputulin ng kanyang inang si Felicisima.

Dahil sa sama ng loob, naglayas si Rudy. Binuhay ang sarili at nagbuo ng kanyang pamilya malayo sa iniwang ina. Hindi na muling nakita ni Rudy ang kanyang pamilya, pero biniyayaan naman siya ng panibagong mag-iina sa katauhan ni Cristina at ng mga anak nito. Hindi man lagi masaya ang kanilang pagsasama, kahit papaano ay napupunan ito nina Cristina. Pero hindi niya maalis sa isipan na may kulang pa rin sa buhay niya.

Matapos ng maraming taon ay iisipin ni Rudy na hanapin ang ina niya. Ngunit dahil sa haba ng panahon, hindi na niya ito muling makikita. Lagi niyang dala ang pangungulilang ito... Hanggang sa nakilala niya si Kabang. 

Pulutan ang unang tingin ni Rudy sa aso. Iuuwi niya ito para patabain, bago ihain. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, magi­ging malapit ang loob ng anak-anakang si Dina kay Kabang.

Magiging parte ng buhay nina Rudy si Kabang. Ito ang magiging bantay ng mga bata sa tuwing kailangan nila itong iwan mag-isa. Pero ano nga lang ba ang kayang gawin ng isang asong-kalye?

Nasagutan ang katanungang ito nang malagay sa pa­nga­nib si Dina at ang pinsan nito. Sa pagmamadali ng isang motor, muntik nitong tamaan ang mga bata. Pero dahil sa pagharang ni Kabang sa rumaragasang motor, ang aso ang mapupuruhan at makalalayo ang mga bata.

Akala ng lahat ay mapalalampas na ang pangyayari dahil wala namang nasaktan. Hanggang sa makita ng lahat si Kabang... natapyas ang nguso ng aso.

Dahil nahihirapan ang aso, napilitan si Rudy na tuluyan nang putulin ang nakalaylay na nguso ni Kabang. Isang bagay na hindi matanggap ni Dina. Para na rin kasing pinutol ng kanyang tatay-tatayan ang buhay ng alaga niya.

Hindi namatay si Kabang, pero unti-unti itong nanghina. Unti-unti ring kumalat sa lugar nila, at sa Internet, ang kabayanihang ginawa ng asong-kalye. Dumagsa ang napakaraming tulong mula sa iba’t ibang tao para maipagamot ang hero dog.

Sa paglaganap ng balita tungkol kay Kabang, nakakabit rin ang pangalan ni Rudy sa asong bayani. Ito ang magdadala ng pangalan niya sa isang bayan kung saan may isang babaeng naghahanap sa kanya. Isang babaeng ma­ta­gal nang nagsisi na hindi siya pinagbigyan sa gusto niya. Ang inang si Felicisima.

Sa pagbigay kay Kabang ng pangalawang pagka­kataong mabuhay, ay siya rin naman nabigyan si Rudy ng pangalawang pagkakataong mabuo ang pamilya niya.

Alamin ang buong kuwento nina Kabang at Mang Rudy ngayong Sabado sa Magpakailanman – Kabang: Hero Dog, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

 

vuukle comment

DINA

ISANG

KABANG

NIYA

PERO

RUDY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with