^

PSN Showbiz

Batang magbibida sa bagong show, mga artista ng kalabang network ang kilala

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang magiging problema ng production staff ng bagong show ng isang network ang batang bida ng show. Ipina-interview ang bagets na walang bukambibig kundi shows at mga artista ng karibal na network na kumuha sa kanya para magbida sa bagong show.

Favorite show ng bagets ay show ng kabilang network at favorite actor at gustong makasama ay taga-kabilang network din. Parang wala itong kakilalang talent sa network na susugal sa kanya at nagbigay ng show.

Ang hirap turuan ng bata at baka ‘yung gusto pa rin niya ang sabihin. Kaya lang, hindi maganda na habang nagpu-promote siya ng kanyang show, show ng kabilang network ang binabanggit. Hindi naman puwedeng hindi siya ipa-interview dahil siya ang bida.

Paano kaya ito isu-solve ng production? May ilang araw pa bago ang presscon, hopefully, magawan pa ng paraan na may makilala siyang talents sa network na magbibigay sa kanya ng launching project. Ang alam namin, pipirma pa ito ng kontrata sa network.

Personal life ni Raymart paiba-iba ang lagay

Sa Wednesday na ang last taping day ng Home Sweet Home at ayaw mag-spoiler ni Raymart Santiago.

Lahat ng kasama ni Raymart sa show ay mami-miss niya dahil naging close sila at parang pamilya nga sa taping.

Wala pang next show si Raymart after Home Sweet Home, pero nabanggit na for the first time, pipirma siya ng kontrata. Hindi pa lang niya alam kung per project o network contract ang pipirmahan. Gusto nitong pambatang show pa rin ang gawin o kaya’y light comedy.

Alam ni Raymart na maraming gustong itanong ang press, pero nakiusap ang staff na ‘wag siyang tanungin ng personal questions, kaya padaplis ang mga tanong. Sabi nito, walang intriga sa buhay niya at sa trabaho lang siya focus at dapat hindi isinasama sa work ang problema.

Birthday nina Raymart at Claudine Barretto sa July 20 at magbi-birthday din ang anak nilang si Santino. At sa tanong kung paano nila isi-celebrate ang birthday nila, “sa amin na lang ‘yun” ang sagot ni Raymart.

Kumusta siya ngayon?

“Okay naman ako. I could have been better, but for now, kung ano lang ang nandiyan ‘yun na lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Ang personal life ko ay paiba-iba ang lagay, depende sa gising, basta okey ako,” paniniyak ni Raymart.

Jake at Bea hindi na nakapagsinungaling sa kanilang relasyon

Hindi na nakaiwas sina Jake Vargas at Bea Binene, lalabas silang sinungaling kung itatanggi ang inamin ni German Moreno, manager ni Jake na mag-GF/BF sila. Nag-on ang dalawa noon pang February 5, 2012 at more than one year na silang may relasyon. Kaya pala may away at selosan factor na sa dalawa.

Kuwento ni Jake, nanligaw siya kay Bea after manligaw ni Derrick Monasterio at sinuwerte siyang sagutin nito noong nasa Alice Bungisngis sila. Ang face ni Bea ang gusto ni Jake at ang eyes at nose naman ng BF ang gusto ni Bea sa kanya.

Pinag-usapan ng dalawa na ilihim ang kanilang relasyon para maging pribado at hindi intrigahin. Kaya laking gulat nila nang aminin ang relasyon nila ni kuya Germs. Maganda ang nangyari ngayong out na sila dahil hindi na sila mahihirapang magtago. Pero alam ng mga kasama nila sa Home Sweet Home na sila na.

Ervic biglang nabobo sa aktingan

Balik-showbiz si Ervic Vijandre after kumandidatong konsehal (natalo) sa Taguig City. Magandang experience sa kanya ang pagkandidato at kahit hindi sinuwerte, tutulong pa rin siya sa mga hihingi ng tulong sa kanya.

Tuwang-tuwa si Ervic na nakabalik siya sa showbiz at isinama sa cast ng Binoy Henyo at bale ba, love interest pa niya ang ex niyang si Rich Asuncion. Kasama sa nakakantyawan si Frencheska Farr dahil niligawan din siya ni Ervic (nabasted).

Kalahating taon ding wala sa showbiz si Ervic at ganu’n katagal siyang hindi nakahawak ng script. Nabubulol din siyang magsalita sa guesting niya at wish nitong bumalik ang confidence niya para maging komportable na uli siya.

Loveless si Ervic, pero nanliligaw ito kay Ariella Arida, ang reigning Bb. Pilipinas-Universe at kundi kami nagkakamali’y kasama niya sa Mercator at parehong si Jonas Gaffud ang kanilang manager.

vuukle comment

BEA

ERVIC

HOME SWEET HOME

KAYA

NETWORK

RAYMART

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with