^

PSN Showbiz

Sharon natuwa sa pananakit ni Juday kay KC

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nasaktan daw ni Judy Ann Santos si KC Concepcion sa isa nilang eksena sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Ayon kay KC ay talaga naman daw ngayon lang niya naranasan ito sa isang proyekto. “We did an intense scene where I literally saw stars after Ate Juday slapped me. That’s when I saw and realized how dedicated and committed Ate Juday is to her craft. Si Ate Juday lang ang star ng buhay ko pagdating sa sampalan. It would really be embarrassing if I would not give my 100% in this project,” kuwento ni KC.

“Si Ate Juday talaga lagi niya sinasabi na hindi niya kayang i-fake. She really does it kasi she’s in the moment when we do the scenes. So obviously for the first time in my work since I got into mainstream showbiz. Never ko naman din inisip na magiging aktres or magagampanan ko ‘yung ganito ka-challenging na role because I really became known as a commercial model and as a host. So it’s a big part and napaka-generous ni Ate Juday, tinuturuan niya kami sometimes kapag nasa eksena. And kapag nanampal siya nang gano’ng kasakit at gano’ng kalakas. Talagang mare-realize mo na totoo ito, this is the real thing. This is somebody na seasoned actress na napakaraming teleseryeng ginawa, napakarami na ring artistang nasampal. So it’s an honor to be slapped by Ms. Judy Ann, parang baptism of fire ko na ‘yun siguro,” paliwanag ni KC.

Ayon sa dalaga ay natuwa rin daw ang kanyang inang si Sharon Cuneta para sa kakaibang role ni KC ngayon.

Enchong wala pa sa planong ituloy ang balak kay Julia

Mas naging matatag na raw ngayon ang pagkakaibigan nina Julia Montes at Enchong Dee. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa kamakailan at nagkaayos nang muli silang magkasama para sa proyektong Muling Buksan ang Puso.

Nagkaroon ng workshop sina Enchong at Julia para sa nasabing proyekto at dahil dito ay naging tapat na sila sa isa’t isa. “We can say na naging maayos na lahat. Naging honest kami sa isa’t isa and ‘yung tiwala namin sa isa’t isa sabi namin, unti-unti naming ibabalik,” pagtatapat ni Enchong.

Ngayong magkasundo na muli ang dalawa ay itutuloy na kaya ni Enchong ang naudlot na panliligaw niya kay Julia? “’Yung wini-wish namin everyday na magkasama kami in one soap, nandito kami sa position na ‘to ngayon and whatever happens, it will happen. Nando’n pa kami sa estado ngayon na pinapatibay pa namin ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                    

vuukle comment

ATE JUDAY

AYON

ENCHONG

ENCHONG DEE

HUWAG KA LANG MAWAWALA

ISA

JULIA

SI ATE JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with