^

PSN Showbiz

Buking sa Facebook lalaking may image na bayaran may nakaraan sa aktor na nagpapakalalaki kahit alam na ang kabadingan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Iniintriga ang isang pa-mhin actor dahil nag-iwan ng message sa kanyang Facebook account ang isang lalake na may image na bayaran.

Ang duda ng friends ng pa-mhin actor, may nakaraan o namamagitan sa kanila ng lalake.

Malihim ang aktor. Walang alam ang publiko tungkol sa kanyang love life pero maingay ang tsismis na baklita siya. Kung talagang gusto ng aktor na ilihim ang kanyang activities, pagsabihan niya ang lalake na i-private message siya sa Facebook ‘no! Huwag ‘yung nakikita ng kanyang friends ang message ng lalake na pinagdududahan na katsugihan niya sa dilim.

Movie ni Dingdong pinuri

Hindi ako invited sa premiere night at presscon ng Dance of the Steel Bars pero gusto ko na maging blockbuster ang pelikula ng GMA Films para sumigla ang ating local movie industry.

Ang sabi ng isang film critic, worth watching ang pelikula ni Dingdong Dantes at para sabihin niya ‘yon, maganda ang Dance of the Steel Bars na pinagtulungan na gawin ng mga direktor na sina Cesar Apolinario at Marnie Manicad, ang dyowa ni Jiggy Manicad na super-promote sa Twitter.

Teka, si Jiggy din ang isa sa mga unang nag-tweet tungkol sa rape joke ni Vice Ganda kay Jessica Soho. Hindi nasayang ang tweet ni Jiggy dahil naging big news kaagad ang paglapastangan ni Vice kay Mama Jessica, ilang minuto pagkatapos mag-tweet ng Kapuso broadcaster.

Marian timing ang pagbalik

Bumalik na kahapon sa Pilipinas si Marian Rivera mula sa ilang linggong pagbabakasyon sa Amerika.

Timing na timing ang pagbalik ni Marian dahil ngayon ang showing sa mga sinehan ng Dance of the Steel Bars, ang pelikula ng love of her life.

Miss na miss ni Marian ang Pilipinas, lalo na ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes. Natuwa si Dingdong sa flowers at cards na ipinadala sa kanya ni Marian sa premiere night ng Dance of the Steel Bars noong Lunes.

Aktor nanghihinayang sa ibinibigay na komisyon kaya kinalasan na ang manager

Pera ang lumalabas na reason kaya nag-iisip na mag-goodbye sa kanyang discoverer ang aktor na mataas ang ambisyon sa buhay.

Ang feeling ng aktor, carry na niya na makipag-negotiate para sa kanyang sarili bilang nanghihinayang nga siya sa komisyon na ibibigay sa pobreng manager na ginawa ang lahat ng paraan na mapasikat ang walang utang na loob na talent.

Sa totoo lang, marami ang turn off sa ugali ng aktor ‘no! Ang manager niya na maganda ang PR ang pinakikisamahan ng mga tao, hindi ang aktor na masyadong bilib sa sarili. Tingnan natin kung hanggang saan makararating ang career ng aktor na gustong magkaroon ng sariling kalayaan ngayong Independence Day!

vuukle comment

AKTOR

CESAR APOLINARIO

DANCE OF THE STEEL BARS

DINGDONG DANTES

FACEBOOK

INDEPENDENCE DAY

JESSICA SOHO

JIGGY MANICAD

KANYANG

MAMA JESSICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with