^

PSN Showbiz

Permanent protection order naaprubahan: James Yap bawal nang lumapit kay Kris!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinaboran ng korte si Kris Aquino dahil naaprubahan ang petition nito na mabigyan siya ng temporary and permanent protection order. Ang ibig sabihin, hindi na puwedeng lapitan si Kris ng kanyang ex-husband na si James Yap.

Lumipad kahapon sa Bacolod ang Startalk staff para sa exclusive interview kay James na nagpaunlak na magsalita sa aming show tungkol sa desisyon ng korte. Panoorin ninyo bukas ang Startalk dahil sinagot ni James ang lahat ng mga question tungkol sa relasyon nila ni Kris at sa pagpayag ng korte na mahiram niya ang kanilang anak na si Bimby.

Umuwi si James sa Escalante dahil fiesta sa kanilang bayan. At the same time tumanggap siya ng award kaya pinuntahan siya ng Startalk staff sa hotel na tinutuluyan niya sa Bacolod City.

Indio, shocking sa huling gabi

Ngayon ang huling gabi ng Indio ng GMA 7. Sure ako na mabibigla ang Indio followers sa nakakagulat na ending ng kanilang favorite primetime show.

Hindi ko sasabihin ang shocking ending ng Indio. Isa lang ang puwede ko na i-share sa inyo, mapapanood ngayong gabi sa Indio ang special participation ni Cavite vice governor-elect Jolo Revilla.

Ipe mahusay sa death scene

Ngayong hapon din ang ending ng Unforgettable, ang teleserye ng GMA 7 na tinatampukan nina Kylie Padilla, Mark Herras, Benjamin Alves, Rocco Nacino, at Phillip Salvador.

Namatay ang karakter ni Benjamin sa Unforgettable at unforgettable ang performance ni Ipe na muling nagpakita ng husay. Ang husay-husay ni Ipe sa death scene ni Benjamin. Pang-award ang acting ni Ipe na isa sa pinakamahuhusay na aktor sa local showbiz.

Chariz todo kayod kahit malaki na ang tiyan

Halata na ang tiyan ni Chariz Solomon sa mga eksena niya sa Unforgettable. Dahil katapusan na ng kanilang teleserye, may panahon na si Chariz para magpahinga. Plano nila ng kanyang asawa na magbakasyon sa Hong Kong.

Kung hindi ako nagkakamali, maglilimang-buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis ni Chariz. Habang wala pa siyang bagong TV project sa GMA 7, dapat na munang mag-concentrate si Chariz sa motherhood. Siguradong bibigyan uli siya ng project ng Kapuso Network pagkatapos ng kanyang panganganak.

Jessica nagpakita ng breeding

Pinupuri ang statement ni Jessica Soho tungkol sa pag-acknowledge niya sa apology ni Vice Ganda.

Nadagdagan ang mga tagahanga ni Mama Jessica dahil sa breeding na ipinakita niya. At least, inamin ni Vice ang lesson na natutunan niya tungkol sa isyu nila ni Mama Jessica.

Dalawang araw lang ang itinagal ng kontrobersiya dahil naging maagap si Vice Ganda sa paghingi ng paumanhin. Nag-move on na sila ni Mama Jessica kaya sa mga patuloy na nagkokomento at nakikisawsaw sa isyu, mag-move on na rin kayo!

vuukle comment

BACOLOD CITY

BENJAMIN ALVES

CHARIZ

INDIO

IPE

MAMA JESSICA

STARTALK

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with