^

PSN Showbiz

Nanay ni Jed Salang gustong makiagaw ng eksena

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang balita na gustong magsalita sa media ng nanay ni Jed Salang dahil gusto niya na ipagtanggol ang kanyang anak.

Hindi makakatulong ang pagsasalita ng nanay ni Jed dahil lalong babatikusin lang ang kanyang anak at pararatangan na “mama’s boy”.

SEEN: Binawi ni Kylie Padilla ang sinabi na sinampal niya si Aljur Abrenica nang mabangga ang sports car ng kanyang boyfriend.

Hindi binawi ni Kylie ang kanyang statement na mayabang ang dating ng sasakyan ni Aljur.

SCENE: Ipinamana ni Robin Padilla sa kapatid na si Rommel ang kanyang recording studio. Si Rommel ang tatay ni Daniel Padilla at mapapakinabangan nito ang recording studio na hindi nagamit ng kanyang Tito Robin.

SEEN: Balik-Twitter si Sharon Cuneta na kasalukuyang nasa California, USA para sa concert nila ni KC Concepcion. Ipinaalaala ni Sharon sa kanyang Twitter followers na wala siyang Instagram account.

SCENE: Ang request ng mga Manileño kay Manila City mayor-elect Joseph Estrada na pagandahin uli ang Baywalk na ginagawang tulugan ng homeless people ngayon mula nang ipabuwag ni Mayor Alfredo Lim ang mga business establishment na pinayagang itayo ni former Mayor Lito Atienza.

SEEN: Bakasyon grande sa Singapore si Marvin Agustin at ang kanyang kambal na anak. Kinalimutan muna ni Marvin ang malaking problema na ibinigay sa kanya ni Vivian Pinlac, ang Karinderya Wars contestant na nag-post sa Facebook na siya ang winner sa grand finals ng show.

SCENE: Pilipinas Instant Bahay Makeover ang tentative title ng next reality­ show ng TV5.

Sina Sharon Cuneta at Grace Lee ang napipisil na hosts ng programa.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

DANIEL PADILLA

GRACE LEE

JED SALANG

JOSEPH ESTRADA

KANYANG

KARINDERYA WARS

KYLIE PADILLA

MANILA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with