^

PSN Showbiz

Jake clueless sa sarailing sex video

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nawala lang kami saglit ni Jake Vargas ay may lumabas ng sex video niya. Clueless si Jake kung saan ito kuha. Palagay nga niya ay gawa-gawa lang ito. Kung bakit at anong motibo ng gumawa ay hindi niya alam.

Haaay, sa Internet talaga ang da­ming nagagawa. Dito ang mali, nagagawang totoo. Bahala na lang kayo kung maniniwala kayo. Pero hindi siya ang tipo na gagawa ng ganung ka­maldituhan o kapilyuhan. Pramis!

Pero kung ’yung video ni Jake ay trying hard at forcing through, marami sa nakapanood ng video ni Mahal na nagsasayaw ng seksi ang hindi makapaniwala na magagawa ’yun ng maliit na ale. Naging hanapbuhay ba ’yun o fun fun lang?

Anumang dahilan ni Mahal para gawin iyon ay hindi justified. Pinababa lang niya ang kanyang sarili!

Mariel kailangan ng tulong ni Robin para makabalik sa Kapamilya

Marami ang nanghihinayang na dahil sa pagba-babu ng Wo­wo­willie ay lumiit na ang mundo ni Mariel Rodriguez. Sayang siya dahil ang galing niyang host.

Magkaro’n kaya siya ng lakas ng loob na bumalik ng Dos? Siguro naman, tatanggapin siyang muli ng network. Kasi nga magaling naman siya. Ang kuwestiyon, magkakalakas loob ba siya? Aba, nandiyan lang si Binoe para siya tulungan na gusto nitong magkaro’n sila ng serye na magkasama. Ito na ang pagkakataon nila.

vuukle comment

ANUMANG

BAHALA

DITO

HAAAY

JAKE VARGAS

KAPAMILYA

MARIEL RODRIGUEZ

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with