^

PSN Showbiz

Claudine gusto nang magsalita sa balitang hiwalayan nila ni Raymart?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang Bukod Kang Pinagpala pa rin ang sinusu­baybayan dahil sa lalong tumitindi ang takbo ng kuwento nito.

Mapapanood ngayong araw ang paglabas ni Janet (Jackie Rice) sa kulungan ay nagbabalak na itong gumanti sa mga taong nagpa­kulong sa kanya.

Pero pinapa-DNA (Deoxyribonucleic Acid) test na rin ngayon si Cindy (Mona Louise Rey) para mapatunayan lang na siya rin si Lara.

Sobrang dalang-dala na nga ni Jackie ang role na ginagampanan niya sa afternoon drama na ito. Sinasabi na niyang mas challenging talaga sa kanya ang bad role.

PAK: Nabuking ng girlfriend ng kilalang aktor na merong isang showbiz celebrity ang medyo kumakalantare sa karelasyon dahil sa text na nabasa sa cell phone nito. Hindi naman nag-hysterical si girlfriend, sinita lang niya si aktor.

Hindi naman kasi type ni aktor ang naglalandi sa kanyang girl kaya para hindi na magselos si girlfriend, binasag nito ang cell phone at nagpalit ng bagong number.

Sabi naman ni girlfriend, hindi naman siya nagseselos pero naloloka lang siya bakit nagawa pa nung showbiz celebrity na mag-text kay aktor gayung alam naman nitong committed na ang aktor sa kanya.

Minsan ay nasalubong ni girlfriend si showbiz celeb, bineso siya ng huli pero dedma lang ito.

BOOM: Sabi ng ilang taong malapit kay Claudine Baretto, gusto na raw magsalita ng aktres kaugnay sa isyung hiwalayan nila ni Raymart Santiago.

Pinagsasabihan lang ito na huwag na para hindi na lumalala pa ang isyu.

Hindi na kasi ini-entertain ni Raymart ang mga gustong magtanong tungkol sa intrigang ito kaya wala talaga silang mapipiga sa aktor.

Pero base sa mga ipino-post ni Claudine sa kanyang Instagram account, parang okay naman sila ni Raymart at ipinoste pa nga ang litratong nililinis niya ang kotse nilang Porsche na inintrigang sinira raw niya.

Meron din siyang litratong kasama si Raymart at ang magkasintahang Isabel Oli at John Prats.

Sinubukan naming kontakin si Claudine pero hindi na namin siya ma-contact. Hindi rin sumasagot ang handler nito sa pangungulit namin kung puwede na itong interbyuhin.

vuukle comment

ANG BUKOD KANG PINAGPALA

CLAUDINE

CLAUDINE BARETTO

DEOXYRIBONUCLEIC ACID

ISABEL OLI

JACKIE RICE

JOHN PRATS

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with