^

PSN Showbiz

Dawn hindi pabor na pag-artistahin ang mga anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nakapansin sa pagiging magaling na host ni Dawn Zulueta sa Binibining Pilipinas 2013 noong Linggo ng gabi. Pinag-usapan din sa iba’t ibang social networking sites ang aktres noong gabing ‘yon dahil sa pagiging simple at maganda sa nasabing pageant.

“Ang sarap pakinggan, as a matter of fact I felt very honored that they chose me to host because it’s the 50th year so, napakaespesyal ng Binibini this year. Then I just realized noong Sunday na next year pala tayo ang host na country for the Miss Universe, that’s really exciting,” nakangiting pahayag ni Dawn.

Samantala, bukod sa pagiging abala ng aktres sa showbiz ay abala rin siya sa pagiging ina sa kanilang dalawang anak ni Anton Lagdameo, sina Jacobo at Ayisha. Papayag kaya si Dawn kung sakaling gusto ring mag-artista ng kanilang mga anak?

“Parang nakikita ko ‘yung aking daughter, si Ayisha. Siguro dahil lagi niya akong napapanood na nagme-makeup, nag-aayos ng buhok, kasi I work ’di ba? Parang nai-imbibe niya yata, we’ll see. I don’t encourage it yet dahil ang gusto ko gawin ng mga anak namin ngayon ay mag-aral muna sila. Later on kapag naka-graduate na sila they can decide on their own,” paliwanag ng aktres.

Nakikita naman ni Dawn ang asawa sa panganay nilang si Jacobo.

“Who knows I just might have the next president of the Philippines? Gusto ko muna siya mag-explore roon. Unlike me when I was growing up I was shy and my daughter takes up after me. But Jacobo takes up after his father,” giit pa niya. 

Nanay ni Daniel nandidiring maki-duet kay Rommel Padilla

Hanggang ngayon may mga nagsasabing ginagaya lamang ni Daniel Padilla ang kilos at boses ng kanyang tiyuhin na si Robin Padilla.

“Hindi ko naman ginagaya pero okay naman ‘yun kung sinasabing ginagaya. Bakit ko naman idi-deny kung si Tito Robin ang ikinukumpara sa iyo? Compliment ‘yun. Salamat na lang din, basta ako, ayoko rin naman na kumbaga Robin na lang din ako. Gusto ko ring maging Daniel,” pagtatapat ng teen actor.

Samantala, ngayon ay abalang-abala na rin ang aktor para sa kanyang birthday concert sa Smart-Araneta Coliseum sa April 30. Balita namin ay magdu-duet ang kanyang mga magulang na sina Rommel Padilla at Karla Estrada sa nasabing concert.

“Sabi niya (Karla), magge-guest lang siya kapag may choir siyang kasama. Nandidiri na nga siya kapag nagdu-duet sila ni papa kasi gusto raw ni papa makipag-duet si ermats. Si mama nandidiri na siya eh,” natatawang pahayag ni Daniel.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ANTON LAGDAMEO

AYISHA

BINIBINING PILIPINAS

BUT JACOBO

DANIEL PADILLA

DAWN ZULUETA

JACOBO

KARLA ESTRADA

ROMMEL PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with