^

PSN Showbiz

Basketbolistang nakulong nang mawalan ng pera, muntik pakasalan ng sexy actress!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ex-fiance pala ng isang sexy star ang PBA import Jamelle Cornley na nakulong dahil nagwala nang mawalan ng pera at ang pinaghihinalaan ay ang tatlong babae na kasamang nag-check in sa isang hotel sa Quezon City. Engaged to be married na raw ang dalawa ayon sa balita, pero nagbago ng isip ang sexy star at ayaw nang ituloy ang kasal.

Hindi nagpakita ang sexy star the whole time na nakakulong ang PBA import, hanggang sa makalabas dahil sa pagpiyansa, ibig sabihin talagang tinapos na ng sexy star ang lahat sa kanila ng PBA import.

Hindi lang nabanggit sa report kung dahil sa pakikipag-break ng sexy star sa PBA import kaya kumuha ito ng tatlong babae o nakipag-break ang sexy star after lumabas ang balitang nagwala ang ex-fiance. After nang nangyari sa PBA import, lalong malabong makipagbalikan sa kanya ang sexy star, unless true love ang namagitan sa kanila.

Saka na natin pangalanan ang sexy star, pagbigyan muna natin ang kanyang pananahimik at obvious na ayaw nitong ma-involve dahil hindi nga nagpakita habang nakalulong ang PBA import.

Richard mag-aaral sa Amerika pagkatapos ng kontrata sa GMA

Nine weeks lang tatakbo ang Love and Lies dahil sabi ni Direk Mark Reyes, lalaylay ang story nito ‘pag pinahaba pa. Pero nang si Richard Gutierrez ang tanungin kung posibleng ma-extend ang takbo ng suspenserye, “ibang usapan” ang naging sagot. Nilinaw nito na walang kinalaman ang patapos niyang kontrata sa GMA Network sa maiksing takbo ng suspenserye. Tapos man o hindi ang kanyang kontrata, tatapusin niya ang suspenserye.

Na-miss din ni Richard ang inang si Annabelle Rama sa presscon dahil kung nasa Manila ang mom niya, tiyak na may lechon at chicharon sa presscon. Busy ang ina sa kampanya sa Cebu at siya nga raw ‘pag may free time ay pabalik-balik sa Cebu para tumulong sa kampanya ng ina.

Sa Lunes na, April 8, ang pilot ng Love and Lies at dream come true sa kanya ang gumanap na sundalo dahil kung pinayagan lang siya ni Annabelle, after high school, papasok siya dapat sa US Navy. Naiinggit si Richard sa dati nilang kasama sa bahay na nasa US Navy na ngayon, medic ito sa Navy at na-a-assign all over the world.

After Love and Lies, magbi-break muna sa showbiz si Richard at planong mag-enroll ng filmmaking sa States. Ilang months lang daw siya mawawala at hindi naniniwalang makakalimutan siya ng kanyang fans.

“I think I’ve done enough work for the past 10 or 11 years. I’ve been wor­king non-stop, hindi naman siguro ako makakalimutan. I think they’ll be excited when I come back dahil sa showbiz pa rin naman ako. Matagal ko nang dream to study abroad, wala lang opportunity. After my contract expires, chance ko na to study abroad, ilang months lang naman ‘yun,” wika ni Richard.

Sa kawalan ng dyowa at trabaho Alessandra marunong na ring magkarpintero

Makikitang malaki ang pagpapahalaga at ipinagmamalaki ni Alessandra de Rossi ang best actress award na tinanggap mula sa 1st Asean International Film Festival and Awards dahil maya’t maya’y hinahawakan ang may kalakihan at kabigatang trophy. Kahit nagbiro kung ano ang gagawin sa trophy para mas mapansin agad ng mga bibisita sa bahay niya, obvious na very proud ang aktres sa kanyang award.

Pinatunayan ni Alex na tama ang kanyang nabanggit minsan na mas kinikilala ang husay niya bilang aktres sa ibang bansa kesa rito dahil nauna pa siyang manalo ng award sa ibang bansa. Dito nga naman, puro papuri pa lang ang nakukuha niya at never pang nanalo ng award. First best actress award ito ng aktres, kaya may pagmamalaki nang sabihing “this is my first” sabay hawak sa trophy.

Nanalong best actress si Alex para sa indie film na Sta. Niña katambal si Coco Martin na siya ring producer at sa direction ni Manny Palo. Tsika pa ni Alex, biniro niya si Coco na mag-blowout dahil nanalo rin ang nasabing pelikula ng best picture, umoo lang daw ang actor, pero hindi sinabi kung saan sila magsi-celebrate.

Hindi nakadalo si Alex sa awards night na ginawa sa Kuching sa Sarawak, Malaysia dahil walang nag-imbita sa kanya at ayaw niyang pumunta ng walang imbitasyon. Sa Twitter lang niya nalamang nominated siya at matagal nalaman na nanalo siya.

“Nagpi-painting ako noon at hindi ko tsini-chek ang celfone ko dahil ganun naman ‘pag wala tayong dyowa hindi tayo nagtsi-check ng fone. Nang tingnan ko ang fone, ang fone ko, may 10 missed calls at 17 messages, kino-congratulate na pala ako. Tinawagan ko si Direk Manny na hindi rin pumunta sa Malaysia at nagkuwentuhan pa kami. Pagkatapos kong makausap si Direk Manny, humarap ako sa salamin, naisip ko, best actress ako at naisip ko rin na wala akong dyowa, wala akong matawagan, kaloka lang,” sabi ni Alex.

Sa tanong kung ano ang nagawa sa kanya ng best actress awards, ang sagot nito’y “gratitude, nakakaramdam ako ng matinding gratitude. Ang trophy na ito ay katumbas ng 10 years na ‘di ko pagtanggap ng award dito,” sabi pa ni Alex.

Gaya pala ng kaibigang si Heart Evangelista, nagpi-paint na rin si Alex, pero nagsisimula pa lang siya, unlike Heart na matagal na into painting. Nakita namin ang first painting ni Alex ng multi-colored chimney at maganda siya. Water color at acrylic ang medium niya and she signed her painting with her real surname.

Biniro namin si Alex na hindi na lang siya actress at singer ngayon, painter na rin at ipinadagdag ang carpenter dahil nagkakarpintero na rin siya.

“Kapag wala kang ginagawa, walang dyowa at walang matinong trabaho, ang dami mong nagagawa. Nakatapos na ako ng two tables na ang paa lalagyan ng set ng condiment. Isa lang ang nasa akin, niregalo ko ang isa,” tsika nito.

Samantala, wala pang bagong show sa GMA 7 si Alex, sana matupad ang wish nitong bigyan naman siya ng hindi kontrabida role dahil nakakapagod na raw maging­ masama. Naniniwala itong kaya rin niya ang acting ng mga bida, just give her a chance.

Habang wala pang show, tinapos muna ni Alex ang entry ni Direk Gil Portes sa Cinemalaya na The Liars. Mala-Munting Tinig daw ang story nito at kasama niya sina Arnold Reyes, Ping Medina, at marami pang iba.

vuukle comment

AKO

ALEX

DAHIL

DIREK MANNY

LANG

LOVE AND LIES

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with