^

PSN Showbiz

Baron wala nang babalikang trabaho, role ibinigay na sa stage actor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sixteen weeks lang ang alam ni Derek Ramsay na itatakto ng teleserye niyang Kidlat pero ang kuwento ng staff ng Archangel Media, producer ng teleserye, aabot ng 17 weeks ang airing. Ang unang planong 13 weeks, naging 15 weeks at ngayon, 17 weeks na itong mapapanood sa TV5.

Sa thanksgiving party ng JLD Talent Management ni Jojie Dingcong, natanong si Derek sa co-star niya sa Kidlat na si Baron Geisler. Nilinaw ni Derek ang balitang siya na ang nagpatanggal kay Baron at ang alam niya, kasama pa rin niya ito sa teleseye.

Pero may nagkuwento sa amin na as of last week, hindi na nagti-taping si Baron at kung napapanood man siya, matagal nang na-taped ang mga episode. Isang stage actor ang ipinalit sa kanya sa role na ginagampanan at pagsusuutin na lang ang stage actor ng maskara at lalagyan ng prosthetics ang mukha.

Hindi lang alam kung alin ang mauunang gagamitin ng stage actor, kung ang maskara o prosthe­tics.

Enchong mas priority ang trabaho kesa sa debut ni Julia

Wala ang pangalan ni Enchong Dee sa listahan ng mga imbitado sa debut ni Julia Montes sa March 19. Hindi siya kasali sa 18 Roses, wala rin sa 18 Treasures at lalong wala sa 18 Tulips.

Malulungkot ang fans ng love team nina Julia at Enchong dahil hindi na nga ang huli ang escort ng debutante, wala pa siya sa party. Sabi ni Julia, inimbita niya ang actor sa party, pero may Blackberry event ito at ‘yun ang priority ng aktor. Hindi pa rin naman niya nakalimutan ang birthday ni Julia dahil may regalo siya rito.

“Inimbita ko talaga siya, pero bago naplano ang debut ko, may lakad na siya, may work siya at hindi ko alam kung pupunta pa siya. Kasama siya dapat sa 18 Roses, kaso hindi siya puwede,” pahayag ni Julia.

Hindi magtatampo si Julia kung hindi makapunta si Enchong. Naniniwala rin siyang hindi magtatampo  si Enchong na pinalitan niya ito sa 18 Roses. And as far as Julia is concerned, okay sila ni Enchong.

Ang pinanghihinayangan ng husto ni Julia ay hindi matutupad ang dream niyang makasama ang ama sa kanyang debut. Wala siyang address nito at hindi alam kung saan hahanapin. Buo na raw sana siya kung makikita ang German dad niya dahil kahit marami siyang achievement, kulang pa rin siya without her dad.

After her birthday, pupunta sa Bangkok si Julia at kasama ang ina, magbabakasyon sila for four to five days. Siya ang magti-treat sa mahal niyang ina.

Gabby first time makasama ang ex ng ama

Natutuwa si Gabby Eigenmann dahil hindi siya kontrabida sa family drama ng GMA Network na Mundo Mo’y Akin, pero gray ang character. Bilang si Ziggy Carbonel, mabuti siyang ama, babaero nga lang.

Masaya rin si Gabby to be working again with Angelika dela Cruz na 2001 pa niya last nakasama sa Ikaw Lang Ang Mamahalin at si Sunshine Dizon na huli niyang nakatrabaho sa All About Eve noong 2009.

First time ring makakatrabaho ni Gabby si Jaclyn Jose na dating karelasyon ng amang si Mark Gil at mag-ina pa sila sa soap. Kuwento ni Gabby, sa pictorial nila, kinunan niya ng picture si Jaclyn at biniro niyang ipakikita sa ama. Sabi raw ni Jaclyn sa kanya “gago ka talaga.”

Ex ni Ara nagpapaalaga na rin

Isa pala ang Congo Grill sa restaurant na involved si Raymond Yap, isa sa mga talents ng JLD Talent Management ni Jojie Dingcong at mas kila­lang ex ni Ara Mina. Nagulat ang press friends ng aktres dahil game nang humarap sa press si Raymond at nagpa-interview pa dahil noong sila pa ni Ara, hindi siya nagpapakita sa entertainment press at matagal bago siya pinangalanan ni Ara.

Anyway, nakinig kami sa interview kay Raymond at kaswal nitong binanggit ang restos na involved siya na para bang nag-o-order lang ng food. EVP pala siya ng Café France at nasa likod ng Congo Grill, Tempura Japanese Grill, Karate Kid, Holy Cow, Heaven and Eggs, Gitara Grill at Flavors of China.

In fairness, nagpaalam muna kami kung puwedeng magtanong tungkol kay Ara at nang sumagot ng “oo” saka lang kami nagtanong. Two years ang relasyon nila at “differences” ang rason ng break-up. Sorry at hindi nag-elaborate si Raymond. Wala raw siyang balak mag-showbiz at lumapit kay Jojie for imaging!

 

vuukle comment

CONGO GRILL

ENCHONG

JOJIE DINGCONG

JULIA

KUNG

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with