^

PSN Showbiz

Mommy Eva hindi natinag sa pakikipaghalikan ni BB sa lalaki

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Buung-buo na nakunan ng Startalk ang pa­nonood ni Mommy Eva Cariño sa Halik ng Tarantula, ang stageplay ng kanyang anak na si BB Gandanghari.

Kung gusto ninyo na malaman ang reaksiyon ni Mommy Eva sa pakikipaghalikan ni BB sa kapwa lalaki, watch ninyo ngayong hapon ang Startalk.

Ikinuwento noon ni BB sa Startalk na medyo nagdadalawang-isip ang kanyang mommy dearest na panoorin ang Halik ng Tarantula dahil baka hindi kayanin ng powers niya ang mga eksena.

Ang say ng isang eyewitness, normal na normal naman si Mommy Eva nang lumabas sa teatro.

Wala sa hitsura niya na nasindak siya sa pakikipaglaplapan ni BB sa kapwa mhin.

Mapagmahal na nanay si Mommy Eva kaya tinanggap niya ang pagpapalit ni BB ng katauhan.

Ibang magmahal ang mga ina kesa mga kapatid. Matalino si BB at siguradong naiintindihan nito kung bakit nahihirapan ang kanyang mga kapatid na lalaki na tanggapin ang katauhan niya. Si BB ang magi­ging pinakamaligayang transgender kapag pinanood nina Robin at Royette ang Halik ng Tarantula.

Mister ni Jolina tahimik lang sa isang sulok, hindi umeepal sa interbyuhan

Ang suwerte ni Jolina Magdangal sa kanyang husband na si Mark Escueta. Very supportive na asawa si Mark dahil sinamahan pa niya si Jolina sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin noong Huwebes.

Habang iniinterbyu si Jolina, tahimik na nakaupo si Mark sa isang sulok ng restaurant. Malayung-malayo siya sa ibang showbiz husband na maepal at nakikisali sa usapan.

Happily married ang dalawa. Anak na lang ang kulang kina Jolina at Mark para makumpleto ang kanilang kaligayahan.

Fans nalilito kung kanino ipapareha si Alden

Nalilito ang loyal fans ni Alden Richards dahil ipinapareha siya kina Julie Anne San Jose at Louise delos Reyes.

Hindi na raw alam ang love team na susuportahan nila, ang Alden-Julie Anne o Alden-Louise?

Kung ang fans ni Alden ang tatanungin, mas gusto nila na walang ka-love team ang kanilang idol. Naniniwala sila na makaka-survive ang career ni Alden kahit nagsosolo ito.

May mga nagsasabi naman na magtatayo sila ng Alden-Lauren Young love team dahil idinenay naman ni Lauren na may relasyon sila ni Elmo Magalona. Mas type ng fans na manatiling ka-love team ni Elmo si Julie Anne.

Seminar para sa mga sumasakay sa taxi

May pakisuyo ang aking friend na si Brian Yamsuan at tungkol ito sa seminar na gaganapin sa March 17. Inaanyayahan ang lahat na sumali dahil importante ang pag-uusapan na isyu.

Narito ang imbitasyon niya: International Krav Maga Fed. Philippines Country Director Dindo De Jesus would like to invite you to attend Defense Against Threats and Attacks When Riding a Taxi Cab on March 17 Sunday 1:00 p.m.-5:00 p.m. at LTO head office, East Avenue, Quezon City. For inquiries, please call 211-7261 or 0917-8942728.


 

 

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALDEN-JULIE ANNE

ALDEN-LAUREN YOUNG

BRIAN YAMSUAN

HALIK

JOLINA

MOMMY EVA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with