^

PSN Showbiz

Ibinuko ni Kris: Presidente Noynoy paborito na rin ang Pusong Bato!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Talagang kinakarir nang husto ni Gov. ER Ejercito at ng Pagsanjan Mayor Maita Sanchez-Ejercito ang taunang festival ng Laguna na La Laguna Festival.

Ipagdiriwang nila ito sa March 8 hanggang 17 kung saan ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila ang mga events na gagawin nila sa mga araw na ’yun.

Magkasunod na dalawang taong pinarangalan ng Department of Tourism na Best Tourism Event in the Province category ang La Laguna Festival.

PAK: Nakakaaliw si Kris Aquino sa nakaraang Golden Screen Awards na kung saan nagpakilala ito at bumeso sa nagpasikat ng kantang Pusong Bato na si Renee dela Rosa ng Alon Band.

Ikinuwento ni Kris na paborito ng dalawang anak niyang sina Joshua at Bimby  ang kantang ito. Pati nga raw si Pres. Noynoy Aquino ay nagustuhan na rin ang kanta dahil naimpluwensiya ng mga anak niya.

Tuloy nakabisado na rin ni P-Noy ang Pusong Bato.

Kuwento ni Kris: “October nun, I had to shoot in Bangkok for a commercial. I left the boys with P-Noy. ’Tapos they kept singing it to him. Hindi pa niya kakilala nung time na ’yun tapos because Bimby memorized it at si Josh memorized din si Pusong Bato, pati ang presidente alam na kung ano ang Pusong Bato.

“Kasi ’yung kanya talaga ’yung plakado dun sa utak ko. But kasi it’s super duper my favorite.”

BOOM: Nagsisimulang kairitahan na itong magandang aktres ng mga co-star niya dahil sa pagpi-prima donna niya.

Kasama nito ang isang kilalang aktres na mas magaling ’di hamak sa kanya at isa pang aktres na mabait naman at marunong makisama sa mga co-actor niya.

Matagal na naming narinig na may ganung kadramahan itong si magandang aktres dahil may naririnig din kaming hinaing mula sa mga nakatrabaho niya ngayon.

Ngayon ay may naririnig na naman kami, gaya nang ayaw daw nitong magpasampal sa isang aktres na kaeksena niya at kung anu-anong demands.

Karamihan daw nun ay pinagbibigyan ng mga staff dahil marunong kasi itong mambola sa mga staff at nagbibigay pa ng mga regalo. Kaya paborito ito ng mga staff pero kinaiinisan ng co-actors niya.

 

vuukle comment

ALON BAND

BEST TOURISM EVENT

BIMBY

DEPARTMENT OF TOURISM

GOLDEN SCREEN AWARDS

KRIS AQUINO

NIYA

PUSONG BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with