^

PSN Showbiz

Young actress na medyo sikat na, nakakaranas pa rin ng pananakit sa ina!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maglalaban naman ang mga Kapuso hunks na sina Mikael Daez, Luis Allandy, at Mike Tan sa Celebrity Bluff bukas ng gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Si Michael V naman ang special guest na uupong gangnam kasama sina Jose Manalo at Wally Ba­yola.

Bibigay kaya si Eugene Domingo sa kakisigan ng tatlong guests niya na maglalaban para sa kalahating milyong piso jackpot?

PAK: Nagulat naman kami sa kuwentong nakarating sa amin na hanggang ngayon ay inuumbag pa rin pala ang kilalang young actress ng kanyang ina.

Kahit daw sa harap ng mga katrabaho nito ay hinahablot na lang basta ni Mommy ang mahabang buhok ni young actress.

Likas na mabait lang talaga si young actress at mahal nito ang kanyang ina, kaya tahimik na lang siya at napapahiya na lang sa mga katrabahong nakakakita sa ginagawa ng ina.

BOOM: Balak ng comebacking sexy actress na si Raja Montero na humingi ng tulong sa Gabriela dahil sa pang-aaping ginawa sa kanya ng dating karelasyon na kumuha sa kanilang dalawang-taong gulang na ngayon na anak na babae.

Naghahanap rin siya ng magaling na abogadong makatulong sa kanya para ipursige ang kasong kidnapping na isinampa laban sa lalaking nakarelasyon niya.

Galing daw sa mayamang pamilya ang lalaking ito at suportado ng mga magulang niya dahil gustung-gusto raw nilang makuha talaga ang custody ng kanyang anak.

Nasasaktan lang daw siya dahil ang inilalaban sa kanya ay ang pagiging sexy star at ang pagkasangkot niya sa mga isyung bugawan noon.

 Gusto naman daw ni Raja na kahit nalilinya siya sa mga bold films, kaya naman daw niyang gampanan ang responsibilidad ng isang ina. Kaya naman daw niyang buhayin ang kanyang anak kahit hindi na tumulong ang ama nito.

vuukle comment

CELEBRITY BLUFF

EUGENE DOMINGO

JOSE MANALO

LUIS ALLANDY

MIKAEL DAEZ

MIKE TAN

RAJA MONTERO

SI MICHAEL V

WALLY BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with