^

PSN Showbiz

Weekend mornings mas pinasaya ng TV5 Kids

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simulan ang weekends kasama ang TV5 Kids na maghahandog ng iba’t ibang cartoons na paniguradong mae-enjoy ng mga bata.

Pagmulat ng mata, siguradong gaganahan ang mga bata sa panonood ng Batibot na patok sa lahat ng manonood—anuman ang kanilang edad. Samahan sina Ate Maya at Kuya Fidel pati sina Manang Bola, Kapitan Basa, Koko Kwik-kwak, Ning-ning at Ging-ging tuwing Sabado, 7:30 a.m.

Kasama rin ang TV5 Kids Presents Disney shows sa pagbibigay-saya sa umaga sa pangunguna ng Handy Manny tuwing Sabado, 6:00 a.m. at Linggo, 7:00 a.m.

Samantala, maki-rock and roll kasama ang Disney’s alternative rock band for kids na sina Rich, Scott, Dave, at Smitty sa Imagination Movers tuwing Sabado, 6:30 a.m. at Linggo, 7:30 a.m. Makilaro at matuto ng problem-solving kasama si Mickie Mouse at mga kaibigan niyang sina Minnie Mouse, Donald Duck, Daisy Duck, Goofy, at Pluto sa CGI-animated interactive series na Mickey Mouse Clubhouse, tuwing Sabado, 7:00 a.m.

Kasama rin sa fun at adventure ang TV5 Kids Presents Cartoon Network shows. Abangan ang Powerpuff Girls na sina Hyper Blossom, Rolling Bubbles, at Powered Buttercup sa pakikipaglaban nila para sagipin ang mundo sa Powerpuff Girls Z tuwing Sabado, 8:00 a.m.

Panoorin din ang tatlong aliens na nagmula sa planet Galaluna sa animated action science fiction TV series na Sym-bionic Titans tuwing Sabado, 8:30 a.m. at Linggo, 9:30 a.m. Kilalanin ang isang 12-year-old blue cat na si Gumball sa The Amazing World of Gumball tuwing Linggo, 8:00 a.m. Samantala, maririnig namang muli ang famous “Oohh, Mama” line sa Johnny Bravo tuwing Linggo, 8:30 a.m. Samahan si Finn at ang kanyang best friend na asong si Jake sa kanilang paglalakbay sa Land of Ooo sa Adventure Time tuwing Linggo, 9:00 a.m. At ’wag kalilimutang panoorin si Ben sa kanyang pagpunta sa isang secret underground alien city kasama ang kanyang bagong partner na si Rook sa Ben 10 Omniverse tuwing Linggo, 10:00 a.m.

vuukle comment

ADVENTURE TIME

AMAZING WORLD OF GUMBALL

ATE MAYA

DAISY DUCK

DONALD DUCK

HANDY MANNY

HYPER BLOSSOM

LINGGO

SABADO

TUWING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with