^

PSN Showbiz

Gerald ini-enjoy si Maja pero ayaw umamin sa relasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nagpapaapekto si Gerald Anderson sa mga isyung kinasasangkutan niya. Mas pinipili na la­mang daw ng aktor na maging abala sa kanyang mga trabaho katulad ng paggawa niya ng teleser­yeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin at ng peliku­lang OTJ.

“Doon natin malalaman kung anong klaseng tao ka. Hindi kung paano mo hina-handle ’yung success, kundi kung paano mo hina-handle ’yung mga failure, challenge, at hirap sa buhay, kasi sa success madali lang i-handle ’yon. Pero ’yung failure maraming nagda-down sa ’yo at maraming challenges, depende sa ’yo kung maging strong ka,” paliwanag ni Gerald.

Nananatiling matatag ang young actor kahit pa kabi-kabila ang isyung idinidikit sa kanya.

“The stronger you are, the more na marami pang blessings na darating sa buhay mo at ’yun ang dapat mong iniisip, hindi ’yung mga taong ’di mo naman kilala at laging nagda-down sa ’yo,” giit ng aktor.

Nagkaroon nang malalim na tampu­han sa pagitan ng magkaibigang Kim Chiu at Maja Salvador dahil sa diu­mano’y panliligaw ni Gerald sa huli. Na­tu­loy kaya ang pagkakamabutihan ni Maja at ng aktor?

“Sa akin na lang po ’yon. ’Yon ang privacy ko, pero ’di ko naman sinasabi na ’di ko sasabihin. Siguro sa right time. Siguro ini-enjoy ko lang kung ano’ng meron ako,” nakangiting pahayag ni Gerald.

“Siguro ’di po kami magsasama kung ’di po kami nag-e-enjoy. Ini-enjoy naming ’yung company ng isa’t isa.”

Myrtle matindi ang nararamdaman kay Enrique

Kamakailan ay nai-release na ang music video ng kantang Mr. Kupido ni Myrtle Sarrosa.

Masayang-masaya ang PBB Teen winner dahil nabibigyang katuparan na ang kanyang mga pa­ngarap.

“Actually, matagal ko nang panalangin ’yung mabigyan ng chance talaga kumanta. They gave me the perfect song, the perfect arrangement, sobrang bait, and supportive sa akin ang Star Records. Siguro it’s because if you really believe ’tapos nag-pray ka talaga kay God and he sees you work hard for it he’ll make ways for you to grab your dreams,” nakangiting bungad ni Myrtle.

Nabigyan din ng pagkakataon na makatambal ng dalaga sa nasabing proyekto si Enrique Gil. “Noong ginagawa na ’yung story for the video, the creative and the director was asking me about the leading man. Isang tanong, isang sagot lang ako, Enrique Gil, hahaha! He was actually my first and only choice for the music video. Siguro dahil I admire his acting skills and he really fit for the role so perfectly,” kuwento ni Myrtle.

Napahanga siya sa aktor noong nagkatrabaho na sila.

“I actually admire him a lot kasi noong sinu-shoot ang music video he was suffering from a terrible cold and slight fever pero he was punctual, he never complained, always kept a smile through the set and ang galing niyang kasama sa eksena,” pagdede­talye pa ng dalaga. Nakaramdam nang matinding kilig si Myrtle habang kinukunan ang mga eksena nila ni Enrique sa music video.

 Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

GERALD ANDERSON

KIM CHIU

MAJA SALVADOR

MR. KUPIDO

SHY

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with