^

PSN Showbiz

Fans ni Kim patuloy ang paninira kay Gerald

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN:  Dinalaw uli ng kalungkutan ang former sexy star na si Anna Leah Javier dahil birth anniversary ng kanyang boyfriend na si John Apacible noong Martes. Kung nabubuhay si John, 40-years old na siya. May isang anak sina Anna Leah at John na hindi nito nakita na isinilang.

SCENE: Ang guesting nina Martin Nievera at Pops Fernandez sa Sarap Diva dahil sa promo ng Foursome. Ang Sarap Diva ang  Saturday cooking show ni Regine Velasquez sa GMA 7.

SEEN: Higit na kailangan ngayon ni  Maricel Soriano ang pang-unawa dahil mahirap ang kanyang pinagdaraanan. Forty-eight years old na si Maricel,  siya lamang ang makakatulong sa kanyang sarili.

SCENE: Magkasabay na na-revive ang acting career nina Karla Estrada at Rommel Padilla dahil sa kanilang lovechild na si Daniel Padilla. Malaki ang dapat ipagpasalamat nina Karla at Rommel sa anak nila na sikat na sikat ngayon.

SEEN: Naririto sa Pilipinas si Chris Cayzer na umaasa na  nakatulong ang pagsali niya sa The X Factor Australia upang ma-revive ang kanyang singing career sa bansa. Hindi nanalo si Chris sa The X Factor Australia.

SCENE: Napaiyak si Dulce nang panoorin ni Celeste Legaspi sa CCP ang musical play na Katy. Twenty-five years ago, si Celeste ang gumanap na Olivia sa Katy: The Musical. Si Dulce ang bagong Olivia sa restaging ng Katy.

SEEN: Ang receding hairline ni Jake Cuenca na kaila­ngan ng immediate solution.

SCENE: Masipag sa paninira kay Gerald Anderson ang fans ni Kim Chiu na hindi matanggap ang katotohanan na hindi na magkakabalikan ang kanilang mga idolo.

 

vuukle comment

ANG SARAP DIVA

ANNA LEAH

ANNA LEAH JAVIER

CELESTE LEGASPI

CHRIS CAYZER

DANIEL PADILLA

GERALD ANDERSON

KATY

X FACTOR AUSTRALIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with