^

PSN Showbiz

Gov. ER naghihimutok sa MMFF, pinababago na rin ang pangalan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Malakas ang tilian ng mga Noranians sa pagwagi ng nag-iisang Superstar Nora Aunor bilang Best Actress sa Gabi ng Parangal ng 38th Metro Manila Film Festival.

Nagwaging Best Director si Brillante Mendoza sa pelikulang Thy Womb o Sa ‘Yong Sinapupunan na nakakopo rin ng maraming major awards.

Nakakapagtaka lang dahil wala ito sa tatlong Best Picture, kundi ang Gatpuno Antonio Villegas award ang ibinigay sa naturang pelikula.

Marami lang ang nagtaka sa naging desisyon ng mga hurado.

PAK: Nang tanggapin ni Direk Brillante Mendoza ang Best Director award, muli itong nakiusap na sana ay panoorin ang Thy Womb at huwag naman daw i-pull out sa mga sinehan. Pero malakas ang tilian ng mga fans na tinanong ng lahat sa loob ng Meralco Theater, bakit hindi sinuportahan nang husto nitong mga nagtitiliang fans ang pelikula ng Superstar.

BOOM: Halatang masama ang loob ni Gov. ER Ejercito pagkatapos ng awards night.

Maaring isa sa mga dahilan ay ang muling pagkapanalo ni Dingdong Dantes bilang Best Actor na nasa C5 pa raw ito nang in-announce na siya ang winner.

Tanggap naman daw ni Gov. ER ang pagkapanalo ni Dingdong dahil iyun ang gusto ng mga hurado.

Ang pakiusap lang sana ni Gov. ER sa namumuno ng MMFF na sana gawin na raw Filipino Film Festival at ipa-raffle sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa ang walong entries para patas daw ang hatian ng mga sinehan.

Ang nangyari lang kasi, ang pelikulang Sisterakas at Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako lang daw ang nabigyan ng maraming sinehan at sila ay nagkasya na lang sa pailan-ilang sinehan.

“Thirty seven years na ang Metro Manila Film Festival at 38th year na ngayon. Ang kanilang mandate pang-Metro Manila lang. Pero iba na ang panahon ngayon, napakarami ng sinehan sa buong Pilipinas. Sana ipa-raffle ang mga sinehan sa buong Pilipinas.

“Sana ang MMFF, The Filipino Film Festival na para pantay-pantay ang mga sinehan sa walong pelikula.

“Sa probinsiya kasi, nagkakaroon na ng pa­lakasan system diyan eh. Free booking na ‘yan, eh simultaneous nationwide showing na tayo eh,” himutok ng Laguna governor.

vuukle comment

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BEST PICTURE

BRILLANTE MENDOZA

FILIPINO FILM FESTIVAL

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SINEHAN

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with