^

PSN Showbiz

Rhian napatawad na ang ex!

Joe Barameda - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ano nga ba ang ginawa ni Rhian Ramos at mukhang naka-move-on na siya mula sa hindi magandang mga pangyayari sa buhay niya?

Nakabawi na siya relationship-wise at career-wise.

Masaya siya sa piling ni KC Montero at abala siya sa trabaho, sa pelikulang Sosy Problems ng GMA Films na entry sa Metro Manila Film Festival.

Sinusubukan daw niyang gumawa ng mga tama.

Dati na naman siyang gumagawa ng mabubuting bagay, hindi ba?

Masasabi ba niya na matapos ang masasamang karanasan, sa katauhan ni KC, binigyan na siya ng Diyos ng isang tao na makakapagpaganda ng buhay niya?

Hindi man direkta ang sagot ni Rhian pero sinabi niyang pag wala siyang taping nagpupunta siya sa bahay nila KC na ilan sa mga nagpapasaya sa kanyang buhay.

At si Bianca King ang isa sa mga itinuring niyang kaibigan na dumamay sa kanya.

Kasama niya sa Sosy Problems (directed by Andoy Ranay) si Bianca, at sina Solenn Heussaff at Heart Evangelista.

May mga pagkakataong sa bahay nila Bianca siya natutulog. Namamasyal din sila.

Pero hindi lang naman kay Bianca maging kay Solenn ay naging kaibigan niya. At maging kay Heart.

Masasabi na ba niya ngayong wala na siyang nararamdamang galit sa taong gumawa ng hindi maganda sa kanya?

“Well, hmmm…”

Alam naman siguro niya kung sino ang tinutukoy namin.

“Yeah. I know. But ano,  I dunno parang it’s just that I make… parang it’s a conscious effort to forgive pero …”

Nakapagpatawad na ba siya?

“Yeah because I told… no, but God says kasi forgive…”

Kailan niya na-realize na nakapagpatawad na siya?

“Hindi… I don’t know. I can’t… I’m not… oh my gosh, it so hard to answer! Because I can’t, I can’t say naman na… parang there are two kinds of forgiving, e.”

Pero hindi na raw siya galit at masaya na siya ngayon.

“Yeah, yeah! I love my work, I’m working every day, every single day. And then I love my social life. I love my love life, I love my family life,” sabi niya.

Kaya na ba niyang makita ang taong iyon ng personal?

Halimbawa ay biglaan?

“Hindi naman necessary. Kung wala namang dahilan para magkita,” at tumawang muli ang aktres.

vuukle comment

ANDOY RANAY

BECAUSE I

BIANCA

HELLIP

NIYA

SIYA

SOSY PROBLEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with