^

PSN Showbiz

Kakaibang family fun ibibigay ng Superbook

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghahanap na ba ng kakaibang family bonding ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan?

Imbitado kayo at ang buong pamilya sa Superbook Reimagine! Ito na ang pagkakataon na mapanood in advance ang bagong Superbook — ang paboritong animated Bible series ng nakaraang henerasyon — na ngayon ay digitally animated na para sa bagong henerasyon!

Kasama mo sina Chris, Joy, at ang robot na si Gizmo sa isang masayang adventure na pinamagatang The First Christmas. Tuklasin ang totoong kuwento sa likod ng pagdiriwang na pinakaaabangan nating mga Pinoy! — ang Pasko!

Bukod sa advance screening, iba’t ibang games at masasayang activities din ang nakahanda na siguradong mae-enjoy ng lahat. ’Wag palampasin ang family fun day na ito na puno ng kaalaman at kasiyahan!

Sa Dec. 15, yayain na ang buong pamilya sa Superbook Reimagine! Pumunta lang sa Every Nation Building, 32nd Street corner University Parkway sa Bonifacio Global City sa Taguig City. Ito ay mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali. May espesyal na premyo ang mga pupunta ng naka-costume ng kanilang favorite Bible character.

Para sa tickets, may P1,000 tickets para sa limang katao at P250 ticket para sa isang tao. Mabibili rin ito sa House of Praise outlets sa Robinsons Galleria, Panay Avenue sa Quezon City at Festival Mall Alabang.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

EVERY NATION BUILDING

FESTIVAL MALL ALABANG

FIRST CHRISTMAS

HOUSE OF PRAISE

PANAY AVENUE

QUEZON CITY

ROBINSONS GALLERIA

SUPERBOOK REIMAGINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with