^

PSN Showbiz

Kris napa-react na ginagamit lang si James, nabastos sa sariling bahay kaya matabang sa ex-husband

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Magkakaroon ng benefit show sa Zirkoh Morato, Quezon City mamayang gabi para sa selebrasyon ng kaarawan ng kilalang talent manager at kaibigan naming si Noel Ferrer.

Tampok sa benefit concert sina Martin Nievera, Lani Misalucha, Jed Madela, at Gloc 9 na pinamagatang The Best Gift, at wala silang talent fee dito.

Ang proceeds ng naturang show ay para sa mga batang cancer patient ng Fe del Mundo Hospital.

Walang bayad ang entrance pero open sa lahat na magbigay ng donasyon para sa beneficiary ng naturang show.

Isa ito sa selebrasyon ng kaarawan ng aming kaibigan si Noel Ferrer. Happy Birthday kapatid!

PAK: Ayaw nang isipin ni JM de Guzman na malamig ang kanyang Pasko dahil wala na talaga sila ni Jessy Mendiola at deretsahan niyang sinabing single na siya.

Sandaling nakausap namin ito sa presscon ng filmfest entry niyang The Strangers at natawa ito nang tinanong namin kung malamig nga ba ang kanyang Pasko.

“Nandiyan naman ang pamilya ko na magpapainit,” napapangiti niyang sagot sa amin.

BOOM: Nag-emote si Kris Aquino sa kanyang Twitter account dahil sa nakakarating na komentong ginagamit niya si James Yap para mapag-usapan lang para sa promo ng pelikula niyang pang-filmfest.

Sinabi kasi nitong hindi sila okay ng ex-husband, samantalang sinabi naman ng basketbolista na magkaibigan silang dalawa at nagpapasalamat ito kay Kris sa magandang pag-alaga sa kanilang anak na si Bimby.

Tweet ni Kris: “Pasensya na, I’m still in the hospital so, may papatulan ako. I read in my timeline I’m being accused of using my ex-husband for publicity. All I said was that no bitterness doesn’t necessarily mean a desire for closeness. I have my reasons, I felt nabastos ako in my own home last week. I’m not making a big issue but I was offended deeply & sorry di ko kaya to be plastic & pretend we are friends.”

vuukle comment

ALL I

BEST GIFT

HAPPY BIRTHDAY

JAMES YAP

JED MADELA

JESSY MENDIOLA

KRIS AQUINO

LANI MISALUCHA

MARTIN NIEVERA

MUNDO HOSPITAL

NOEL FERRER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with