^

PSN Showbiz

Manny nakiusap na hintayin siya ng GMA 7 bago tanggalin ang kanyang programa; TV5 may major revamp!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

 

Seen : Ang major revamp na magaganap sa management ng TV5. May mga mawawala at may mga bagong darating.

Scene : Ang balita na plano ng TV5 na ilagay sa noontime slot ang Wil Time Bigtime na mahigpit na tinutulan ni Willie Revillame kaya nagkaroon ito ng desisyon na hanggang January 5, 2013 na lamang sa ere ang kanyang programa.

Seen : Lovers in Las Vegas ang drama ni Melissa Ricks at ng kanyang boyfriend na si Paul Jake Castillo.

Scene : “Where are all the honest people hiding? “ ang tanong ni Rhian Ramos na maraming beses na nag-deny noon tungkol sa relasyon nila ni Mo Twister at sa ibang aktor na na-link sa kanya gaya nina JC De Vera at Mark Herras.

Seen : Ang pakiusap ni Congressman Manny Pacquiao sa GMA 7 na i-extend ang Manny Many Prizes hanggang sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa December upang makapagpaalam siya nang personal sa kanyang viewers.

Scene : Libre ang panonood ng pelikula sa lahat ng mga sinehan sa SM Malls sa December 8 dahil ipinagdiriwang nila ang conversion ng film-based theaters sa digital cinemas. Libreng mapapanood ang Supremo ni Alfred Vargas at ang restored film version ng Himala, ang critically acclaimed movie ni Nora Aunor.

Seen : Hindi nagpansinan sa huling taping ng Manny Many Prizes sina Paolo Contis at Gladys Guevarra. Pera ang dahilan ng kanilang hindin pagpapansinan.

Scene :  Sa December 2 ang  Las Vegas flight ni Janine Tugonon.Si Janine ang Philippine delegate sa Miss Universe competition na gaganapin sa Planet Hollywood Resort & Casino sa December 19.

 

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DE VERA

GLADYS GUEVARRA

JANINE TUGONON

LAS VEGAS

MANNY MANY PRIZES

MARK HERRAS

MELISSA RICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with