^

PSN Showbiz

Habang maraming aligagang mag-audition dito sa atin Ana Maria Perez de Tagle nakikipag-meeting na kay Cameron Macintosh sa England

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa Sabado na mapapanood ang surprise wedding coverage nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na Zoren-Carmina Always Forever: A Wedding Like No Other  sa ABS-CBN pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Matagal nang napapag-usapan ang balak na pagpapakasal ng dalawa, at kung tatanungin mo noon ang dalawa, parang hindi na kailangan ang kasal para sa kanila.

Pero alam naman nilang kailangan talaga alang-alang sa kanilang mga anak.

Nung may programa pa lang ang dalawa sa GMA 7 na Love ni Mister, Love ni Misis ay napapag-usapan na ang kasal. Ngayon lang natuloy sa masigasig na pagplano ni Zoren at sa tulong ng pamilya nito at ng ABS-CBN 2.

PAK: Habang aligaga ang mga gustong magpa-audition sa Miss Saigon, kuwento ng isang kaibigan sa Amerika, naka-schedule palang tumulak patungong London, England si Ana Maria Perez de Tagle para makipag-meeting kay Ca-meron Macintosh.

May special audition kaya siya o talagang isa na siya sa mga pinagpiliang gumanap sa dating pinagbidahan ni Lea Salonga?

Pero malaki naman ang tsansa ng ilang local singers natin dito na mapasama sa naturang musical stage play kahit hindi sila ang mapiling Kim sa Miss Saigon.

BOOM: Kapag tungkol sa mga anak ang napapag-usapan, nagiging emosyonal si Mark Gil. Lalo na kapag pinag-usapan ang pinagdaanan ngayon ni Andi Eigenmann.

Sabi nga ni Mark nang nakausap namin sa set ng Pahiram ng Sandali, kung puwede lang na siya na ang aako ng lahat na hirap na pinagdaanan ng mga anak niya.

Ang punto lang sana nito, mas mabuting manahimik na lang at ayusin ang problema sa pribadong paraan.

Napahamak tuloy si Andi nang magsalita na si Jake Ejercito para ipagtanggol ang sarili at ang kanyang magulang.

Base sa mga pahayag ni Jake nang nakausap ito ng grupo ng mga reporter na sumama sa Eat Bulaga sa London, lumalabas na pinagsabay ni Andi sina Albie Casiño at Jake.

Kaya ganun na lang pala ang reaksiyon ni Albie nang nalaman niyang buntis na ang young actress.

Kawawa rin naman si Andi, kaya hindi napigilan ni Mark na mapaluha kapag napapag-usapan ang intrigang pinagdaanan ng kanyang anak.

vuukle comment

A WEDDING LIKE NO OTHER

ALBIE CASI

ANA MARIA PEREZ

ANDI

ANDI EIGENMANN

CARMINA VILLARROEL

EAT BULAGA

JAKE EJERCITO

LEA SALONGA

MISS SAIGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with