^

PSN Showbiz

Sharon babawi sa ginawang pagpatol kay Kris, susuhulan ng carrot cake!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang writer ng Startalk si Loy Landicho aka Professional Heckler at siya ang may kagagawan kaya nag-react si Sharon Cuneta tungkol sa parody o fake interview niya kay Kris Aquino na inilabas niya sa kanyang blog.

Obvious na hindi aware si Sharon na imaginary lamang ang nakakatawa na interbyu ni Professional Heckler kay Tetay kaya nag-emote siya. Nag-sorry ang Megastar nang malaman niya ang kanyang pagkakamali. Nag-promise rin siya na padadalhan niya si Kris ng carrot cake. Follower na rin niya si Kris sa Twitter.

Hindi lahat ng Pinoy eh may computer o panahon para magbasa ng Internet blog kaya wondering sila sa pinag-ugatan ng pagkaimbiyerna ni Sharon. Para sa kapakanan ng PM readers, ibabahagi ko ang fake interview pero edited dahil masyadong mahaba ang okrayan nina Professional Heckler at Krissy.

Krissy: “Hello there!! You look at me when I say hello there! There! Na-miss n’yo ‘ko ‘no? Aminin! Well, I’m baaaack. I’m here for an interview. I don’t know nga kung bakit wala pa si Heckler. Grabe, siya na ang nakiusap, siya pa ang late. Kaloka! Anyway, while waiting for him, let’s chat muna. This December, my film fest entry will… oh, he’s here. Gosh, you’re sooo late!

Professional Heckler: Sorry po, traffic.

It’s Friday! What do you expect? Hay naku! Darla, retouch muna nga. Be thankful kay Darla at sa Kris TV staff, naghintay sila. As in, they’re here for like 35 minutes na, promise.

Guys, thank you. Again, sorry Ms Kris. Shall we start?

So minamadali mo naman ako? Iba ka!

Nooo! No… take your time. Sorry po. How’s Bimby?

Close tayo? Helloooo.

Ok.

Aha-ha-ha. Namumula ka! I was just kidding. Baka itsismis mo inaapi kita. Gosh, I’m not like that. Alam ‘yan ng staff and crew ng show ko. ‘Di ba Darla?

(‘Di narinig ni Darla; No reaction)

Hoooooy sumagot ka! Aha-ha-ha! Support me naman! Anyway, let’s start na nga. Bilisan mo dahil may shooting pa ako. Go!

How’s your sex life?

NAKAKALOKA KA! ‘Yon talaga ang unang tanong? Helllooo. FYI, baka lang ‘di mo pa alam, baka lang naman, I am single right now! Sex is the least of my concerns. Unless…

Unless what…

Ayokong sabihin. Aha-ha-ha Magagalit na naman sina Ate Ballsy at Ate Pinky. My gad. I’m sure ‘pag nabasa nila ‘to tatawagan nila ako, “Kris, you and your big mouth again!” So quiet na lang ako. Basta, I am single and happy. Let’s leave it at that.

Nami-miss mo ba si James… ‘pag gabi?

From sex to James?!? Gano’n talaga ang segue? Hindi kita kinakaya. Aha-ha-ha We’re friends. Not friends na super friends but we’re ok. Pwede bang change topic na? Nag-move on na ako. Move on na rin kayo.

Two months mong co-host si Chiz sa KrisTV. Hindi ka ba niya niligawan?

Ano ka ba?!? May girlfriend na ‘yong tao! Nakakahiya kay Mrs. Ongpauco at sa chain of Barrio Fiesta restaurants!

Rephrase na lang, hindi ka ba nanghihinayang na napunta siya kay Heart?

Hellooooo! Look at me. LOOK AT ME! Ito ba? Ito ba ang mukhang nanghihinayang?

Bakit parang nandidiri ka?

Noooo! You’re making me pahamak! Gosh. Nakakahiya. If you’re reading this Chiz, that’s not what I meant. And thank you again for guesting. I learned a lot.

So hindi mo lang talaga siya type?

Let’s put it this way. Alvin Patrimono, Philip Salvador, Joey Marquez, James Yap. Venti! Venti! Venti! Venti! And then biglang Chiz… hmmm, tall. Masisira ang pattern aha-ha-ha.

Are you saying na maliit ang…

I’m saying na you shut up. You’re putting words into my mouth! Grabehhh!

Ok, sorry. Punta naman tayo sa brother mo. Wala ka bang balita sa lovelife niya?

Hay naku! Pagdating sa lovelife, ayoko nang makialam. Lovelife ko nga, ‘di ko maasikaso! I did my part na. Nag-recommend ako ng stylist para tulungan siyang imake over. May wardrobe consultant pa. Kung wala pa ring epek, ipagpapasa-Diyos ko na lang.

Hopeless case na ba?!

You’re so bad. Wala akong sinabing ‘hopeless.’ Noy, you know I love you. But you’re 52. Keri mo na ‘yan. Hanap lang nang hanap! Hellllo! Hugh Hefner got married again at 85.

Si Hugh Hefner talaga ang peg?

Gosh, stop using that term please! I hear that everyday sa studio. Irritating! Darla, sino ba ‘yong guest natin na nagsabing peg niya raw ako? Nakakairita! After talaga ng taping, sinabihan ko ang writers. Bawal gamitin ang “peg” kapag kaharap ako kung ayaw n’yong masira ang mood ko! Ayun, natahimik ang mga beki. Natakot ‘ata sa akin. Aha-ha-ha

Moving on… last 2010 very vocal ang pamilya ni Ms Annabelle Rama na hindi nila iboboto si Noynoy. Remember Ruffa’s walkout sa “The Buzz?”

Ruffa who?!

Gano’n?

Of course I’m kidding! Hellloooo! Hi Ruffi! Miss you na! Wala ka raw trabaho d’yan sa kabila? Aha-ha-ha Ano nga ulit ang question?

Next year kasi tatakbo for a Congressional seat si Ms Annabelle Rama. Hypothetical lang, iboboto mo ba siya kung nakatira ka sa distrito niya?

I’m glad I’m not. Aha-ha-ha

So that’s a ‘no?’

Darla, what time ulit ang call time ko? We’re running late right? Ay, sorry Heckler, may tanong ka pa?

Sandali lang po, two questions na lang. Very active ka sa Twitter and I’m sure nababasa mo rin ang controversial tweets ni Ms. Sharon Cuneta.
I don’t follow her.

Oh, you don’t?

Ayokong ma-stress aha-ha-ha But I follow KC.

As a social media personality, ano ang maipapayo mo kay Ms Shawie na laging napapaaway on Twitter?

Ignore and move on.

Move on?

Yes! Kasi naman 2012 na! Magwa-one year na ang break up ng anak niya at ni PJ. Nag-move on na ang lahat ng Pilipino, siya na lang ang hindi pa. Wait, pwede bang off the record ‘to? Ayokong magalit si Sharon eh. Ang haba pa naman niyang mag-tweet. Nobela talaga ang peg. Eeew why did I use that term. Kainis! Aha-ha-ha!”

vuukle comment

AHA

AKO

DARLA

LANG

LSQUO

NIYA

PROFESSIONAL HECKLER

SIYA

VENTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with