^

PSN Showbiz

Ibinida pa namang magpapasabog pa sa The Buzz, Angelica binusalan na ng Kapamilya! Sharon pumatol na naman, nag-react sa pekeng interview kay Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isi-share ni Regine Velasquez sa Sarap Diva ang kanyang sikreto kung paano siya pumayat nang ganun kabongga.

Para ito sa concert niya mamayang gabi at siyempre ang Sarap Diva lalo na’t kain lang sila nang kain sa naturang programa.

Bukas ay special guest pa ng Asia’s Songbird si Carla Abellana kasama ang mommy niyang si Rea Reyes at ang lola niyang si Delia Razon dahil ang dream pala talaga ng aktres ay makaluto ng masarap na Filipino food. Kaya ka-bonding nito ang nanay at lola niya sa kusina.

Abangan ito sa Sarap Diva bukas ng 9:40 a.m.

PAK: Totoo kayang pinatigil na si Angelica Panganiban sa pagsasalita tungkol kay Derek Ramsay?

Nag-promote pa ito sa Twitter account niya na abangan ang pagsasalita niya sa The Buzz.

Ang latest na narinig namin, hindi na itutuloy ang pagsasalita niya tungkol sa dating kasintahan.

Maaaring mag-promote na lang siya ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz.

BOOM: Muntik nang magkaroon ng hidwaan sina Sharon Cuneta at Kris Aquino dahil sa isang parody ng interview ng isang blogger kay Kris na pinatulan naman ni Sharon.

Sinabi roon sa patawang interview kung pina-follow ba ni Kris si Sharon na sinagot ng una na hindi at ayaw lang niya ma-stress. Si KC Concepcion daw ang pina-follow ni Kris.

Nakarating ito sa Megastar at nag-tweet siyang “Yaan na natin siya, ’di ko naman siya pina-follow ever. Sasakit ang ulo ko,” sabi ni Shawie.

Nang ipinaliwanag sa kanya na fake interview lamang iyon ng isang blogger at gawa-gawa lang, humingi naman ito ng apology kay Kris.

Pero napag-alamang hindi nga naman pala talaga pina-follow ni Kris ang Twitter account ni Sharon.

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLA ABELLANA

DELIA RAZON

DEREK RAMSAY

JOHN LLOYD CRUZ

KRIS AQUINO

REA REYES

REGINE VELASQUEZ

SARAP DIVA

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with