^

PSN Showbiz

Regine nakakolekta sa birthday ni Nate!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Isa sa magiging guest ni Regine Velasquez sa kanyang Silver concert sa November 16, MOA Arena si Lani Misalucha. Kaya asahan may labanan ng biritan na magaganap.

Pero hindi pa sila nagkikitang dalawa. Ayon kay Regine sa Amerika pa sila huling nagkita ng dating kasamahang Kapuso singer.

Makilala pa kaya ni Regine ni Lani bilang nag-iba na naman ang hitsura nito dahil hindi naman niya ikinakaila na nagpapagawa siya ng mukha?

Bukod kay Lani, guest din sa Silver sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs na naging malaking bahagi ng kanyang 25 taon sa industriya.

Ang original concept ay lahat lalaki ang magiging guest niya – Ogie and Janno at Gary Valenciano and Martin Nievera – pero parehong hindi puwede ang dalawang huli. Kaya nang sabihin ni Cacai Mitra, ka­patid ni Regine na tumatayong producer katuwang ang GMA 7, nag-ok siya kay Lani M.

Eh bakit si Jaya hindi niya kinuhang guest samantalang naging part ‘din naman ng career niya ang kaibigang singer?

Hindi alam ni Regine ang main reason dahil si Cacai nga ang nag-decide although tinatanong naman siya.

 Anyway, nakaraos na ang first birthday ng panganay nila ni Ogie na si Nate. At sa kabila ng pakiusap niya sa mga inimbita na pera na lang ang ibigay, may mga nagregalo pa rin ng laruan sa kanilang panganay.

Isang malaking car ang isa sa gift kay Nate na si Ogie ang na-excite nang husto. “A day before the actual birthday ni Nate, may nagpadala ng malaking gift. So binuksan na namin. Car, may remote control. Talagang siya (Ogie) ang na-excite. Gusto niya sumakay si Nate, siya ang gagamit ng remote control. Eh kaso natatakot si Nate  kasi bumibilis ang takbo pag gamit ang remote, so ayaw niyang sumakay.

“So the following day nag-try uli siyang isakay si Nate. Ayaw pa rin. Hanggang napansin ko, tahimik ang asawa ko. Nasa isang sulok pala. Pinipilit sumakay sa car ni Nate, gusto paandarin. Kinunan ko nga ng picture,” sabi ng singer-actress na aliw na aliw sa ginawa ng mister.

Umabot naman sa halos P50,000 ang naipon nilang cash na ido-donate sa charity. Malamang na sa December na raw nila maasikasong dalhin ang naturang halaga na nakolekta sa birthday ni Nate sa mga favorite charitable institutions nila.

Samantala, wala nang nararamdamang kaba si Regine sa nalalapit niyang concert. “Ito na yata ang concert na wala talaga akong stress at kaba. Alam mo ‘yun ang focus ko kasi nasa anak ko. Parang hindi ko na iniisip kung ano ang mangyayari. Kung ano na ‘yung kalalabasan, ‘yun na ‘yun,” sabi pa ng Asia’s Songbird na ang payat na talaga. Pero kailangan pa raw niyang magbawas ng at least five pounds.

Baron 14 hours tumugal sa kulungan

Consistent ang press release ng kampo ni Baron Geisler na hindi na siya umiinom eh mas malala pa pala ngayon. Imagine, wala namang ginagawa sa kanya ang kapitbahay na si Raymond dela Rosa na may tindahan, pero bigla na lang niyang pinuntahan at kinuha ang tindang tinapay at itinapon. At saka pinagsusuntok. O loko, ipinakulong siya. Doon siya natulog sa loob ng selda, tumagal siya ng 14 hours sa loob.

Kinasuhan siya ng physical injury, malicious mischief, at child abuse.

Pero iniurong din ang mga kasong isinampa sa kanya ng kapitbahay sa pakiusap ng kapatid ni Baron na si Donnie na dating nakasali sa Pinoy Big Brother. Inayos niya at nakalabas din ng kulungan ang kontrobersiyal  na actor ayon sa isang TV report.

Ang sabi ng kapatid ni Baron, may sakit kasing bypolarism ang kapatid at meron itong pinagdaraan kaya napainom. Nanghihingi ng pasensiya ang mukhang mabait na kapatid ng actor.

Kasama pa naman si Baron sa seryeng gagawin ni Derek Ramsay sa Channel 5 na Kidlat at kasama rin siya sa El Presidente na bida si Gov. ER Ejercito.

vuukle comment

BARON GEISLER

CACAI MITRA

DEREK RAMSAY

EL PRESIDENTE

GARY VALENCIANO AND MARTIN NIEVERA

NATE

OGIE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with