^

PSN Showbiz

Kahit ipinagtanggol ng mga kaibigang actor mga kapit-bahay ng ka-live-in ni Matt iba ang sinasabi

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon

Walang plano na magpainterbyu ang live-in partner ni Matt Evans na anak ng dating bold actress na si Coca Nicolas.

Nagsampa na ng reklamo si Johnellie Hickins kaya ipapaubaya na niya sa korte ang desisyon.

Isang staff member ng Startalk ang nakakita sa live in partner ni Matt sa clinic ng isang pediatrician.

Dala ni Johnellie ang baby nila ni Matt dahil ipina-check up niya ang bagets.

Nagsalita sa mga talk show ang mga artista na kaibigan ni Matt. Ipinagtanggol nila ang aktor dahil hindi raw ito capable na manakit ng babae.

Iba ang sinasabi ng mga kapit-bahay ni Coca tungkol kay Matt pero ayaw naman nila na magsalita sa harap ng mga TV camera.

A SECRET AFFAIR INAASAHANG MAS PIPILAHAN, NAKA-P100 M NA WALA PANG ISANG LINGGO

Ang aga ng calltime kahapon para sa Thanksgiving party ng Viva Films dahil sa box-office success ng A Secret Affair.

Five in the afternoon ang invitation pero pabor ito sa akin dahil nakauwi ako nang maaga sa bahay.

Nag-share ang Viva Films sa tagumpay ng kani­lang pelikula sa pamamagitan ng bonggang raffle prizes.

Magsisimula bukas ang long weekend dahil sa All Saints Day. Walang pasok bukas at sa Biyernes kaya inaasahan na lalong pipilahan sa takilya ang A Secret Affair.

Kahapon ay mahigit P100 million na ang kinita nila kaya dapat lang talaga silang magdiwang.

BODIE CRUZ NAPAGKAMALANG ANAK NINA TIRSO CRUZ AT NORA AUNOR

Nakakatawa ang kuwento tungkol kay Bodie Cruz, ang anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.

May isang female fan ang lumapit kay Bodie at nagtanong kung anak siya ni Tirso.

Sumundot ng tanong ang fan nang sumagot ng opo si Bodie. May-I-ask niya kung si Nora Aunor ang madir ni Bodie.

Nawindang si Bodie dahil hindi niya akalain na may mga tao na naniniwala na nagkatuluyan at may anak sina Tirso at Nora.

Never na nagkaroon ng bunga ang loveteam ng dalawa, maliban sa manika na si Maria Leonora Teresa.

PAGBABALIK NG MAGPAKAILANMAN TATAPATAN ULI ANG MMK, BUHAY NI KATRINA HALILI PANG-BUENA MANO

Hindi natuloy ang presscon kahapon ng Magpakailanman.

Na-postpone para sa ibang araw ang press launch ng nagbabalik-TV na show ni Mel Tiangco.

Walang explanation sa postponement ng presscon.

Basta ang alam ko, ang life story ni Katrina Halili ang isa sa mga nakoko-consider na maging pilot episode ng Magpakailanman sa November 24.

Kung hindi ako nagkakamali, itatapat ng GMA 7 ang Magpakailanman sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Hindi lang ako sure kung alin sa parte ng makulay na buhay ni Katrina ang ipapakita sa Magpakailanman.

BUHAY NI HAYDEN MAKULAY PANG-MAGPAKAILANMAN

Puwedeng materyal ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Hayden Kho, Jr.

Ang tanong, papayag ba si Hayden na kalkalkin ng Magpakailanman ang ilang kontrobersiyal na bahagi ng kanyang buhay?

Sa rami ng mga kontrobersiya na pinagdaanan ni Hayden, baka magkulang sa oras ang Magpakailanman.

RJ NAKAPOSAS nang DUMALAW SA PUNTOD NI RAMGEN

Nakunan ng TV news crew ang pagdalaw ni RJ Bautista sa puntod ng kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Nakaposas ang mga kamay ni RJ nang umapir ito sa memorial park noong Lunes, ang araw na ginunita ang first death anniversary ni Ramgen.

Kabilang si RJ sa mga suspect sa murder case ng sariling kapatid kaya one year na rin ang nakalilipas mula nang makulong siya.

vuukle comment

A SECRET AFFAIR

ALL SAINTS DAY

BODIE

BODIE CRUZ

COCA NICOLAS

MAGPAKAILANMAN

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with