^

PSN Showbiz

Nagpaalam na sa magulang ng GF, Gab seryoso na kay Coleen!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Aminado si Gab Valenciano na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang makarelasyon niya ang It’s Showtime host na si Coleen Garcia.

“My life has been surrounded by negativity, whether it’s with friends, whether it’s the public, or publicity. I’ve been called many names. I’ve been called a lot of things and a lot of people think that for me wala lang, but it does hit me at times. She was the one that made me feel that’s it’s okay. It’s okay to make mistakes. It’s okay to fall down,” seryosong pahayag ni Gab.

May mga pagkakataon rin na merong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

“Even us we’re not perfect. We go through things as well people see us as a happy couple. But all I can say is we do have our challenges, but we do overcome them because we put each other first more than anything,” kuwento ng binata.

Sobrang seryoso na ni Gab sa kanilang relasyon ni Coleen kaya naglakas-loob na rin ang binata na kausapin ang mga magulang ng dalaga.

“For the first time in my life, this was the time that I thought, I’m twenty four na and it’s time to stop fooling around. So before anything happened, I talked to her parents. I said, ‘Tito, Tita, I know I’m not asking to marry her, but being a boyfriend is a serious thing and I take it seriously. And I want you guys to know that I take your daughter seriously,’” pagtatapat ni Gab.

Nakita raw talaga ng binata kay Coleen ang lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang babae.

ENCHONG ALAGANG-ALAGA NI MAJA

Sa Lunes ay magsisimula na sa Primetime Bida ang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak. Magkakatambal dito ang magkaibigang sina Enchong Dee at Maja Salvador. Ayon kay Enchong ay naging madali para sa kanila ng aktres ang trabaho dahil matagal na silang magkakilala. Inaalagaan daw ni Maja ang binata sa set ng kanilang taping.

“Inaalagaan niya talaga ako. Sabi ko nga, parang ready na talaga ’to sa buhay kasi ’di ko alam kung saan niya kinukuha ’yung ganung klaseng pag-aalaga. ’Yung the way siya mag-alaga ng isang tao secure ka sa sarili mo eh. Hindi lang dahil sa food na ibinibigay niya sa akin. Kapag hindi kami magkasama sa taping magkakamustahan kami even outside work,” kuwento ni Enchong.

Ang binata rin ang tipo ng kaibigan na magaling magbigay ng payo kung kinakailangan.

“Sabi ko nga ’yung trabaho namin drama na eh. Hindi mo na kailangang dagdagan ng drama. I-enjoy mo lang. Ini-enjoy ko buhay ko, gano’n din siya,” giit pa ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                    

vuukle comment

COLEEN

COLEEN GARCIA

ENCHONG

ENCHONG DEE

GAB VALENCIANO

INAALAGAAN

MAJA SALVADOR

PRIMETIME BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with